
PHOTO: Facebook/Dost_pagasa
MUKHANG magiging maganda pa rin ang panahon sa buong buwan ng Marso, mga ka-BANDERA!
“Ngayong buwan ng Marso ay posibleng wala or posible din naman na mayroon tayong isang bagyo na maaring pumasok or mabuo sa loob ng ating area of responsibility,” sey ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa isang press briefing kaninang umaga, March 1.
Paliwanag ni weather specialist Grace Castañeda, “Ayon sa ating monthly climatology track, itong bagyo na ito ay posibleng tahakin itong Visayas-Mindanao area patungo dito sa area ng Palawan.”
“Posible din naman itong mag-recurve at maging malayo sa anumang bahagi ng ating kalupaan,” dagdag pa niya.
Kung sakaling magkaroon ng bagyo sa ating Philippine Area of Responsibility (PAR), ito ay tatawaging “Auring,” ang kauna-unahang local tropical cyclone para sa taong 2025.
Baka Bet Mo: Alcala Mayor Tin Antonio sinisi ang PAGASA sa late forecast
As of this writing, sinabi ng ahensiya na wala silang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob o sa paligid ng PAR.
Ngunit ang posible raw na magdala ng ulan sa malaking bahagi ng bansa ay ang dalawang weather systems –ang Shear Line at Northeast Monsoon o Amihan.
Ayon sa latest weather bulletin ngayong unang araw ng Marso, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga, at Davao Region dahil sa Shear Line.
May mahinang ulan naman sa Metro Manila, Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at nalalabing bahagi ng Luzon na dulot naman ng Amihan.
Posible naman ang isolated rain showers sa natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.