‘Sexy Babe’ contestant walang alam sa Comelec, sey ni Vice: Bothersome!

'Sexy Babe' contestant walang alam sa Comelec, sey ni Vice: Bothersome!

NALOKA ang manonood at ang mga netizens sa rebelasyon ng isang 20-anyos na contestant sa “Sexy Babes” segment ng “It’s Showtime.”

Inamin kasi ni Ate Girl na hindi niya alam ang Commission on Elections o Comelec at hindi pa raw siya bumoboto sa kahit anong eleksyon sa Pilipinas.

Kaya naman umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga nakapanood ng naturang episode ng Kapamilya at Kapuso noontime show, lalo na sa mga bashers at haters sa social media.

Nangyari ito sa weekly finals ng “Sexy Babes” kahapon, February 28, kung saan tinanong ang contestant number 4 na si Heart Aquino sa Q&A portion ng, “Ano ang mensahe mo sa Comelec?”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sa pagrereklamo ni Frankie sa resulta ng eleksyon: Walang utang na loob ang batang to!

“Sorry po, hindi po ako masyadong knowledgeable about sa Comelec,” ang pag-amin ni Heart.

Tinanong ng mga host ng programa ang contestant kung ilang taon na ba siya at wala siyang alam tungkol sa Comelec na sinagot naman ni Ate Girl ng, “20 po.”

“Oh my gosh, that’s bothersome,” ang reaksyon ng host ng show na si Vice Ganda.

“Hindi ka ba bumoboto?” ang sundot na tanong ni Kim Chu.

“Hindi pa po,” tugon ni Heart. “Opo, hindi pa po.”

“Sa susunod na eleksyon bumoto ka,” sabi uli ni Kim sa contestant.

“So paano, wala kang sagot?” ang tanong ni Vice kay Heart.

“Ano ba? Hindi po masasagot ito ngayon,” sey naman ng contestant.

Sabi sa kanya ng mga host, hindi ba raw niya naririnig ang Comelec sa telebisyon, o sa mga newspaper, internet o sa social media.

“Wala po kaming TV. Hindi po rin masyadong lumilitaw sa Facebook,” sey ni Heart.

“So, sinong may kasalanang hindi ka informed?” balik na tanong uli sa kanya ni Vice.

“Ako po,” ang natatawa at tila nahihiyang sabi ng contestant.

“Yung Comelec, sila yung nag-aayos bago mag-eleksyon. Para sa mga kandidato,” ang paliwanag naman sa kanya ni isa pang host na si Jhong Hilario.

“Sila ang may kinalaman sa lahat ng kaganapan tungkol sa eleksyon sa Pilipinas,” pag-agree naman ni Vice Ganda.

Kasunod nito, sinagot din ng contestant ang tanong, “Siguro yung message ko po sa kanila: Let’s be fair po dahil po meron tayong mga, kahit barangay lang ‘yan, yung mga bayad. Bayad-bayad ng votes.

“So let’s be fair po siguro, dahil deserve natin yung uupo na talagang merong maibibigay sa atin, na meron talagang…lahat tayo sa community, na mapakikinabangan. At hindi ganern. Yun po, thank you po,” pahayag ni Ate Girl.

Sa X (darting Twitter), sumang-ayon ang mga netizens kay Vice na “bothersome” nga ang pag-amin ng contestant na hindi niya alam ang tungkol sa Comelec kahit na 20 years old na siya.

“Weird di kayo inobliga ng magulang nyo magparegister sa comelec???Legal age kana lol.”

“Felt meme vice’s “oh my gosh that’s bothersome” to my bones because… that’s indeed so bothersome??? wdym wa ka kabalo unsay comelec ?????”

“Ngayon n’yo sabihin na walang education crisis sa pilipinas.”

“Yung pagiging botante, responsibilidad na yan ng tao. Tanda ko pa na pinapila ako ng tatay ko sa COMELEC para magparehistro sa SK kahit sobrang haba nung pila..”
“How’s this even possible? Two decades and still breathing pero never heard of comelec? Or maybe it’s an excuse kasi di ka prepared enough sa mabibigay mong sagot? Everything about this is absurd.”

“Jusko. Paano niya nakayanan na sabihin ‘yan tapos sa national tv pa? Yung level na ka dedmahan niya abt comelec, election or politics ay sumobra sa taas na nagiging shameless na siya. Nakakahiya!”

“Watching the trending video of a SexyBabe who is not aware what COMELEC is/does made me sad. It only proves na may ilang taong walang initiative to learn about the current issues in  PH.”

Read more...