Xian Gaza kay Mommy Min: Baka bigla akong mag-upload ng video!

Xian Gaza kay Mommy Min: Baka bigla akong mag-upload ng video!

MULI na namang naglabas ng pasabog ang Pambansang Marites na Lalaki na si Xian Gaza patungkol sa Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala sa kanilang love team na “KathNiel”.

Nitong Martes, February 25, sa pamamagitan ng isang video ay sinabi nito na kumpirmadong nagkaayos na ang dalawa.

“BREAKING NEWS: Kathryn Bernardo & Daniel Padilla, nagkaayos na! Kompirmd 99.9%! Yung 0.01% ay yung germs na hindi napatay ng Safeguard!” saad ni Xian.

Pagpapatuloy pa niya, “Atin-atin na lang muna at huwag na lang sana makakalabas hangga’t kinukumpirma pa natin kung sila ba ay magjowa na ulit. Salamat. Please respect their privacy.”

Baka Bet Mo: Xian Gaza binantaan mga kakalaban kay Ogie Diaz: My idol, the legend!

Matatandaang una nang inispluk ni Xian sa kanyang Facebook post noong Linggo, February 23, ang chikang pagbabalikan raw umano nina Kathryn at Daniel.

“Ang tsismis eh nagkabalikan na daw pala ang KathNiel. This is not kompirmd yet kasi isang source pa lang ang nag-i-splook sa akin. How true?” sey ng social media personality.

Nagsalita naman ang ina ni Kathryn na si Mommy Min Bernardo kaugnay sa mga pahayag na nagkaayos na ang anak at si Daniel gaya ng chika ni Xian.

“Huwag kayong masyadong naniniwala sa mga fake news,” simpleng sey ni Min sa short video ni Tita Long Gumatay.

Niresbakan naman ito ni Xian para igiit na may katotohanan ang kanyang sinabing nagkaayos na ang dalawa.

“Naku daming nakakakita, mga hairstylists, iba’t ibang mga artista na nagkakausap sila sa backstage, sa dressing room, and off work may mga lihim na pagtatagpo and everything else… so talagang nagkaayos na sila, that’s confirmed.

“Huwag ninyong matawag-tawag na fake news ‘yong sinasabi ko, baka bigla akong mag-upload ng video rito, baka hindi mo kayanin mother,” sey ni Xian.

Paglilinaw niya, hindi naman daw niya kinukumpirmang nagkabalikan na sina Kathryn at Daniel bagkus nagkaayos na raw.

Kung ang tingin daw ng iba ay pagbabalikan iyon, hindi na raw siya ang nagpapkalat ng fake news at ito ang mga marites na na-misinterpret ang kanyang pahayag.

Wala pa namang inilalabas na pahayag sina Kathryn at Daniel hingil sa isyu.

Read more...