Rica Peralejo sa chikang masungit raw siya: Tao po kami

Rica Peralejo sa chikamg masungit raw siya: Tao po kami

SINAGOT ng actress-vlogger na si Rica Peralejo ang akusasyon sa kanya ng isang netizen na masungit raw umano siya.

Sa kanyang Threads account, ibinahagi niya ang kanyang saloobin hinggil sa paratang sa kanya maging sa iba pang mga artista tungkol sa pagiging grumpy at masungit.

“May nagsabi na parang ang sungit ko raw dun sa post na kung san nakilala ako ng isang kapwa Pilipino at naka-video ako. Sinagot ni OP yung nag-comment na, ‘Baka pagod lang siya’ and na happy na siya sa pag-smile ko,” kuwento ni Rica.

Nang makita raw niya ang comment ng netizen ay naalala niya ang kanilang encounter at kung gaano siya kapagod noong panahon na ‘yun.

Baka Bet Mo: Saan kinukuha ni Rica Peralejo ang bonggang confidence? ‘It was age’

“Honestly, naalala ko yung moment na yun na sobrang pagod ko na. Scenario was in the airport at pauwi na kami from Bohol and napaisip lang ako na I wonder if people even understand that public figures also get tired? Like I travel with my kids na walang YAYA. Kami lang ng asawa ko LAHAT,” saad ni Rica.

Nagpapasalamat rin daw sita sa mga taong naiintindihan ang mga artista o public figures kung magiging hindi approachable ang kanilang awra dahil napapagid rin sila.

“Thankful ako sa mga understanding sa public figures and sensitive sa kung anong pwedeng mental state namin as of the moment na makita niyo kami. At sa mga mabilis mag-conclude na masungit lang ang mga artista/figures na ito, please know po na tao kami. May nararamdaman, may pinapagkaabalahan, may pinagdadaanan. May good and bad moods,” sey pa ni Rica.

Read more...