Darryl Yap tuloy ang laban sa Pepsi Paloma movie, haharapin ang mga kaso

Darryl Yap tuloy ang laban sa Pepsi Paloma movie, haharapin ang mga kaso

Pepsi Paloma, Darryl Yap at Rhed Bustamante

NAGBIGAY ng update ang controversial filmmaker na si Darryl Yap tungkol sa pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma” na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung kailan ipalalabas sa mga sinehan.

Hindi pa kasi ito nare-review ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) matapos hingan ang producer ng pelikula ng mga dokumento na magpapatunay na wala na itong kinakaharap na anumang kaso.

Ito’y matapos ngang sampahan ng iconic TV host-comedian na si Vic Sotto ng cyberlibel si Direk Darryl nang diretsahang banggitin ang kanyang name sa teaser ng “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Kinampihan ng korte si Bossing Vic at inutusan ang kampo ni Direk Darryl na i-take down ang naturang teaser. Sa kasalukuyan ay nasa korte pa rin ang cyberlibel case laban sa direktor.

Baka Bet Mo: Mga Marites abangers na sa pasabog ng ‘Pepsi Paloma’ movie ni Darryl Yap

Sa pamamagitan ng Facebook, nag-post si Darryl Yap ng update about his new movie na pinagbibidahan ng teen star na si Rhed Bustamante. Narito ang buong pahayag ni Direk.

“Patuloy ang legal battle ng munting pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma, #TROPP; sa mga walang sawang nag-iiwan ng mensahe at nanghihingi ng update, kung mayroon mang malaking kaganapan ay mabilis po ninyong malalaman.


“Ang kasong isasampa laban sa inyong Lingkod ay ating haharapin, hindi po iyon balakid, bagkus isang pagkakataon para sa katotohanan.

“Sa darating na Marso, kasabay ng mas papainit na kampanya ay ang anibersaryo ng aming samahan na #SAWAKAS/ VinCentiments—

“Kami po ay naghanda ng isang online series, online reality contest at isang pelikula para sa inyo.

“Sa lahat ng tumatangkilik, sumusubaybay at sumusuporta, Maraming Salamat po!

“At sa mga Vietnamese trolls na nagrereact at nagcocomment sa mga post ko— ukininayo and taknaydumo sa inyong lahat.”

Narito naman ang ilang reaksyon ng netizens sa FB post ng direktor.

“Kung sa larangan nang polisiya sa senado e hindi mapaamin ang may mga sala sa korapsyon, hayaan nating sa larangan nang pelikula at industriya na ipakita ang katotohanan nang pagkaka mali at kasamaan. Salute Direk. kaabang abang ang TROPP mo. Mabuhay ka Direk at ang Pelikulang Pilipino.”

“So it means meron talagang itinatago sa baul na ayaw mahalungkat for the sake of an image of popularity of being actor and politician. eme charot lang itong comment wag patulan. We love you Direk Darryl Yap.”

“Laban lng po, still waiting po sa movie.”

“Patulong kay kay Imee baka magawan ng paraan kasama nman nya sa partido sotto.”

“Pati ibang lahi basher mo na din direk! Hahahahahaha!!!”

“Waiting for update. di talaga ako na inform na di pala matutuloy. lumuwas pa ako pa Cebu para lang pumunta sa sinehan, dun ko nalaman di pala pinalabas ang Pepsi Paloma. wait nalang ako sa update.”

“Pepsi paloma talaga inaantay ng lahat eh! nakakataas ng balahibo eh.”

“Ay hindi na pala Indians ang trolls ngayon, ibang bansa naman para kumita din sila.”

“Wag n umasa malakas ung nasa itaas. noon p lang announce yan napaka imposible maipalabas yan. Buti pa mga vivamax walang keme irelease.”

“Bakit ang daming kontra sa movie eh dami namang halos same na ganyang type ng movie.. story yan na base sa pagkakakwento ng family ni pepsi about her life.. hnd nman yan documentary.”

“Patiently waiting po Direk Darryl Yap hopefully anytime soon mag proceed na po Ang showing ng TROPP praying for the success of another blockbuster film po ninyo.”

Read more...