
MC Muah
ISINUGOD sa ospital ang komedyante at “It’s Showtime” host na si MC Muah kamakailan dahil sa naranasang matinding sakit sa kanyang likod.
Bigla na lamang nakaramdam ng grabeng kirot sa lower back si MC kasabay ng hirap sa pag-ihi.
Ito’y dahil pala sa pagkakaroon ng kidney stones na humaharang sa daluyan ng ihi na nagiging sanhi ng nararamdaman niyang sakit.
“Yung kidney stones ko, dinurog. Shinockwave. So ngayon wala na siya, durog na siya. Ilalabas ko na lang siya,” ang pahayag ni MC sa panayam ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Bakit natrauma si MC Muah sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan?
Aniya pa, “Masakit yung likod at nahihirapan akong umihi. Sa executive check-up pa lang, nakita na.
“So ini-schedule agad-agad kasi ‘yung bato, bumaba na sa pantog. Kaya masakit na tuwing umiihi,” dagdag pang sabi ng komedyante.
Nadiskubre rin sa resulta ng kanyang medical test na maliliit ang size ng kanyang kidney stones kaya inirekomenda ng mga doktor sa kanya na sumailalim sa shockwave procedure.
Kung malalaki ang sukat ng kanyang stones baka raw surgery na lang ang tanging option para matanggal ang mga ito.
“Mahilig ako sa maalat. Mas more sa kinakain eh. Iwas daw sa maalat, iwas sa taba.
“Mas gusto ng doctor na naglalakad. Para mas matagtag, para mas mabilis mailabas,” aniya pa.
Sey pa ni MC, sinabihan siya ng mga doktor na uminom ng mas maraming tubig araw-araw.
Sa latest IG post ni MC, ibinahagi niya ang kanyang litrato na kuha sa look ng kanyang kwarto sa ospital. Ang inilagay niyang caption ay, “Natapos din, nagawa ko na din sa wakas, Thank u Lord, kaya wala na akong bato, kaya plss hindi ako Source na…”