Mga nag-SHARON sa b-day party inireklamo: Pati ref namin ni-raid!

Mga nag-SHARON sa b-day party inireklamo: Pati ref namin ni-raid!

Photo from Sharon Cuneta Instagram

NAKAPAG-SHARON na ba ang lahat? Siguradong knows n’yo na ang ibig naming sabihin lalo na sa mga bisitang talagang naging ugali na ang mag-take home sa mga handaan.

Pero para sa mga hindi pa aware sa pagsa-SHARON sa mga handaan, ito po ay ang pagbabalot ng mga tirang handa sa mga pinupuntahan nating okasyon, lalo na sa mga birthday party, kasalan at binyagan.

Ang pagsa-SHARON ay hango sa kanta ni Megastar Sharon Cuneta na “Bituing Walang Ningning” partikular na sa mga lyrics na, “Balutin mo ako sa liwanag ng iyong pagmamahal, hayaang matakpan ang kinang na di magtatagal…”

Ito ang topic natin ngayon dahil sa nabasa naming kuwento sa Reddit tungkol sa isang netizen na galit na galit sa mga nag-SHARON sa kanyang birthday party. Nilagyan niya ito ng titulong, “HANDAAN. ETIQUETTE. EAT, SHARON & RUN.”

Baka Bet Mo: Kris nanahimik dahil may pasabog sa pagbabalik: Kaya kong magpaligaya ng tao most especially NOW!

“This happened during my birthday. Not bonggang celebration but nagluto ako food because may mga tao kami ininvite to comeover. I also baked my own cake, 2-tier Black forest cake na may kitkat sa bottom tier.

“May visitors din kami from Manila na siblings ko. (We’re living sa North) 2nd day nila during my Birthday. Bago sila dumating ay kakaout ko lang sa work so no sleep. Then sinamahan ko sila to go around the city. In short, very pagod ako.

“Yung visitors namin talaga na invited from here are relatives ni partner ko. Sila madalas nakin nakakasama. Mga cousin nya, tita nya, etc. Maybe around 15pax. We all moved here so kami kami lagi magkakasama,” ang simulang kuwento ng unloader.

Pagpapatuloy niya, “Around 5pm the visitors na relatives ni partner nagdatingan na. So syenpre small talk blahblah, waited also for someone na medyo nalate dumating before we all started to eat. My siblings also left dahil malayo pa byahe nila. Di na sila kumain kahit kasama sila sa estimate ko for food.

“I did not eat muna, nakitikim lang ako sa plate ng partner ko kasi sabi ko im too sleepy, I need to take a nap. Sabi ko kahit 10-15 mins lang while everyone’s eating para I have energy later.

“So I went inside our room and nag nap ako for 15mins. I didnt know lumabas pala si partner to buy additional na icecream. So relatives lang ni partner naiwan outside,” lahad pa niya.

Makalipas daw ang 15 minuto, na-shock na lang siya nang lumabas siya sa kuwarto, “The food was all gone. Okay lang naman if kinain nila kasi pra dun naman talaga yun.

“Pero hindi, Puro na-sharon agad nu’ng tita nya. Even some cousins. Tapos the cake pinagdutdot nila and kinuha lang mga kitkat sa bottom tier and yung top lang ni-sharon nila.

“Yung kitchen ko parang niraid, ang gulo ng drawers and even yung nakaayos ko na baking supplies ginulo. Even piping bags nakakalat na kasi napagkamalan ata na plastic labo tapos toss out na lang nu’ng nakita na its not pala. Tita pala was looking for containers kaya nagulo.

“Even my fridge ni-raid. Our extra fridge always have stocks ng mga canned na sodas, chocolates, kumuha din sila ng mga yun. Even the pasalubong I got from my siblings, tinake out nya. (Those are just pastries na sa manila lang may store at favorite ko)

“Parang hinintay na mawala kami both tapos biglang ganun ginawa? Di ba pwedeng magkaron ng hiya man lang?Tapos after nun nagyaya na pauwi si tita at yung dalawang cousin. So wala pa silang isang oras dito.

“Mas malala pa sa Eat and Run. EAT, SHARON and RUN. Sana makaramdam naman mga tao na magrespect sa bahay ng ibang tao,” litanya pa ng netizen.

Sinabihan daw siya ng kanyang partner na hayaan na lang daw ang kanilang mga kamag-anak, “Pero di na daw kami mag invite again, medyo dumiatansya din kami sa kanila.

“Di ko sila sinabihan about sa nangyari, hirap din kasi mangconfront pag tita ng partner mo. How will you react if this happened to you?” ang tanong pa niya sa mga netizens.

Narito ang sagot ng ilang nagkomento sa kanyang nakakalokang kuwento.

“Next time don’t invite them anymore. Kung ako yung partner, pagsasabihan ko kamag-anak ko. Or we’ll go over their house and do the same thing lol.”

“Its giving Patay gutom. Sabihan mo yung partner mo about this. Mangyayari ulit yan.”

“True bakit ssabhin ng partner ni OP hayaan nalang? if ako partner mo OP sobrang mahihiya ako, ako pa mangaaway sa tita ko if ganyan. kasi talaga naman nakakahiya?????? lalo na’t di pa naman kayo mag asawa and even if mag asawa nakakahiya. juskolord. mga walang modo.”

“Next time try to set boundaries too… need mo din mag step up for yourself in these cases.”

Read more...