Mavy Legaspi dedma sa bashers, naka-focus bilang ‘PBB’ host

Mavy Legaspi dedma sa bashers, naka-focus bilang 'PBB' host

HINDI apektado ang Kapuso actor at TV host na si Mavy Legaspi sa mga pambabatikos na patuloy niyang natatanggap mula sa mga netizens.

Ito ay kaugnay sa ginawang pagpapakilala sa kanya bilang isa sa mga bagong Kapuso host para sa”Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab” ng ABS-CBN at GMA na magsisimula sa March.

Makakasama ni Mavy sa mga magiging host ang Kapamilya hosts na sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Alexa Ilacad, Enchong Dee, Melai Cantiveros, Kim Chiu at ang kapwa Kapuso star na si Gabbi Garcia.

Sa kanyang Instagram stories ay inbinahagi niya kung gaano siya ka-thankful na nabigyan ng ganitong klaseng oportunidad.

Baka Bet Mo: Ashley Ortega dyowa na si Mavy Legaspi; pinuri sina Zoren at Carmina

“I can’t wait to meet the housemates. Can’t wait to learn from the amazing PBB hosts. I won’t let any of you down. Ready to host,” ani Mavy na ipinakilala bilang “Kapuso Royal Tropa ni Kuya.”

Nagpasalamat rin ang binata sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya lalo na sa bago niyang hosting stint.

“Thank you for all the love & support guys. It’s honestly so overwhelming,” sey pa ni Mavy.

Para naman sa mga pambabatikos na kanyang natatanggap, ituturing raw niya ito bilang mga constructive criticisms para mas maging mabuting host.

“I’ll do my very best. I’ll take any constructive criticism moving forward and utilize it to become a better host. All the extra [noise] is just unnecessary, I suggest you keep it to yourself cause it doesn’t work on me,” sabi pa ni Mavy.

Read more...