Alyansa para sa Bagong Pilipinas: ‘Iwasan na ang bangayan sa pulitika!’

Alyansa Para sa Bagong Pilipinas: 'Iwasan na ang bangayan sa pulitika!'

PHOTO: Facebook/Alyansa para sa Bagong Pilipinas

MAY kahilingan ang grupo ng mga senador na kabilang sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na iwasan na ang negative campaigning o bangayan sa pulitika.

Ito ang inihayag ng grupo na kinabibilangan nina Makati Mayor Abigail Binay, Senator Pia Cayetano, ex-Senator Panfilo Lacson, Senator Lito Lapid, Senator Imee Marcos, Senator Bong Revilla, Jr., dating Senador Francis Tolentino, ACT-CIA partylist Erwin Tulfo at Las Pinas representative Camille Villar, dating Senador Manny Pacquiao, at former Senate President of the Philippines Tito Sotto na itigil na ang bangayan at negatibong pangangampanya.

Nangyari ito sa ginanap na mediacon sa Citadines, Manila Bay, Pasay City kung saan ipinakilala na isa-isa ang kasama sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Ayon kay dating Senador Lacson, “Sana ang kahilingan ko tumulong na lang tayong magdeescalate sa halip na mag-escalate kasi walang idudulot na maganda ito, walang negative campaigning, ‘yung mga abrasive na remarks na makakapag-divide kasi very divisive ang ating eleksyon.”

Baka Bet Mo: Maxene Magalona may listahan ng ’11 soul’ na nakakatulong sa kanyang mental health: ‘If I judge you…I judge me’

Mula naman kay dating Sen. Pacquiao, “Sa lahat ng mga kandidato, sa lahat din ng mga nakaupo especially this election, ‘wag tayong mag-atake ng ibang kumakandidato o ng ibang tumatakbo. Iwasan na natin ‘yang bangayan ng bangyan kasi tuwing may nag-aaway, lahat ng mga liders especially sa pinakamataas na posisyon down to Barangay at alam ninyo ang naapektuhan ‘yung mahihirap.”

Para naman sa dating Senate President na si Ginoong Sotto ay hindi niya sineryoso ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang may mawala sa line-up ng mga senador para makapasok ang pambato niya sa senado.

“I’m treating it as a joke, e, kakilala ko naman siya at magkaibigan naman kami ni President Digong, eh. Pero para sa akin kasi, piece of advice sa ating politicians pagka-pinag-uusapan ang mga issues, it’s better to stick to the issues. If the issues attacking personally to anyone, you have lost the debate,” paliwanag ni Tito Sen.

“Ang sa akin joke, e, parang joke-joke ‘yung sa kanya. Siguro it should be taken in context of his previous expressions, ‘di ba palabiro? Pero depende sa investigation ng CIDG,” paniniwala naman ni dating Senador Francis Tolentino.

Maging si Senadora Imee Marcos ay ayaw din ng bangayan na tumatakbong independent kahit kasama siya sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

“Independent ako, nag-klaro lang ako sa Alyansa na hahayaan ako na magsalita ng gusto ko at hindi ako sang-ayon sa lahat nang nasasabi sa entablado, pero pupunta ako lalo’t mga kaibigan nga ‘yung nagho-host ng ibang rally,” pananaw ni Sen. Imee.

Sey naman ni Las Pinas representative Camille Villar na kakandidato sa pagka-senador.

“Nakikita ko ang strength sa Alyansa dito sa National Capital Region ay marami sa mga kasama rito ay taga-NCR like mayors and I have an understanding kung ano talaga ‘yung mga pangangailangan ng residents ng NCR,” saad ni Cong. Villar.

Hirit naman ni dating DILG secretary Benhur Abalos, “Nu’ng last presidential election if I’m not mistaken, the president is swept all 17 cities and municipality in Metro Manila. Overwhelming po ang tiwala na ibinigay sa atin ng pangulo and of course this is the President’s team.”

Tungkol naman sa diskwalipikasyon ng Tulfo siblings, ang sabi ni ACT-CIA partylist Erwin Tulfo ay walang enabling law sa pagbabawal ng saligang batas sa political dynasty, pero kung sakaling may ihaing panukala sa senado ay handa siyang sumuporta.

“Unfortunately hindi pa po kumikilos ang senado at kongreso kaya po habang wala pang batas tayo ay may ganito talagang mangyayaring (kandidato ng mga magkaka-mag anak) ganito, pag meron na (panukala susuportahan po naming ‘yun,” saad ni Representative Erwin.

Ang iba pang tinalakay sa nasabing mediacon ay tungkol sa West Philippine Sea o WPS, illegal na droga, paglaban sa mga kriminalidad, mataas na presyo ng bilihin, at ekonomiya,

Read more...