Camille Villar sa mga tsismis, bashers: ‘Lalabas at lalabas naman ang totoo’

Camille Villar sa mga tsismis, bashers: 'Lalabas at lalabas naman ang totoo'

PHOTO: Facebook/Camille Villar

NAKAKATUWANG makapanayam ang kumakandidatong senadora na si Camille Villar dahil aware siya sa lahat ng tsismis na ibinabato sa kanilang pamilya.

Oo nga lalo na sa nanay niyang si Senadora Cynthia Villar na tila binabantayan ng bashers ang bawa’t kilos niya at minsan ay ginagawa pang meme.

Isa kami sa nakapanayam ng senatoriable sa ginanap na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas mediacon na ginanap sa Citadines Hotel, Pasay City nitong Lunes, Fenruary 18.

Sey niya, “Sanay na tayo diyan, 2010 pa lang (ay) palaging may bashers. Ang importante is alam mo naman na tama ‘yung layunin mo and intensyon mo, and siguro lalabas at lalabas naman ang totoo.”

Baka Bet Mo: Camille Villar pasok sa ‘Magic 12’ ng Senado, ayon sa bagong survey

Inamin din ni Ms. Camille na nagbabasa siya ng mga komento ng bashers, “Minsan nagbabasa, pero minsan hindi ko na rin pinapansin.”

Limang minuto lang nakausap si Ms. Villar dahil nagmamadali na siyang tumungo sa Cuneta Astrodome kung saan gaganapin ang rally ng buong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Team.

Aminadong sobrang busy at patong-patong ang schedule dahil sa kampanya ng grupo pero kinailangan din niyang mag-relax kaya nu’ng palabas pa ang pelikulang “Hello, Love, Again “ay sadyang pinanood niya ito.

“Well, recently nanood ako ng ‘Hello, Love, Again’ para kumalma ng konti. Para ma-relax tayo ng konti. Maganda, maganda. So talagang maganda. Minsan nakaka-miss. Buti meron tayong time to relax,” komento niya sa pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na napapanood na ngayon sa Netflix.

Read more...