Jellie Aw binalaan ng kapatid: Magiging kwento ka na lang talaga

Jellie Aw binalaan ng kapatid: Magiging kwento ka na lang talaga

ISANG babala ang ibinigay ng disc jockey na si Jo Aw sa kanyang nakatatandang kapatid na si Jellie Aw.

Ito ay matapos ang ginawang pagsusumamo ng negosyanteng si Jam Ignacio, fiancée ng kanyang kapatid on national television.

Sa naging panayam ni Jam ay hiniling nito na sana ay patawarin na siya ni Jellie at sana’y maayos nila ang relasyon nilang dalawa.

Ang naturang panayam kung saan humihingi ng tawad si Jam ay ibinahagi ni Jo sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, February 19.

Baka Bet Mo: Jellie Aw humugot sa mga babaeng na-trauma after mag-sorry ni Jam

“Magiging kwento kana lang talaga pag binalikan mo pa to Jellie Aw [slightly similing face emoji],” saad ni Jo.

Mapapanood sa video ang pag-amin ni Jam at ang pagsisisi niya sa ginawang pananakit kay Jellie.

“Sa simpleng hindi pagkakaunawaan and siguro, may halo na rin sigurong pagod sa maghapon na lakad namin. E, kumbaga, tao lang din siguro ako… baka napuno lang din siguro ako.

“Na hindi ko sinasabi na tama, pero hindi ko… hindi ko para i-tolerate na gawin ulit. Humihingi ako ng tawad, pasensiya na talaga. Sorry, sorry, sorry sa lahat,” hingi ng paumanhin ni Jam kay Jellie.

Nais pa rin daw ng negosyante na matuloy ang kasal nila ng disc jockey.

Kanina, ayon sa ulat ng ABS-CBN News, hindi dumalo sa National Bureau of Investigation si Jam.

Sinabi ng abogado nito na haharapin na lang raw ng kanyang kliyente ang reklamo ni Jellie sa piskalya.

Read more...