Jillian Ward sinabuyan nang asido, naging si Myrtle bigla

Jillian Ward sinabuyan nang asido, naging si Myrtle bigla

USAP-USAPAN ang naging twist ng Kapuso teleserye na “My Ilonggo Girl” na siyang pinagbibidahan ng aktres na SI Jillian Ward.

Ito ay kaugnay sa naging episode kamakailan kung saan nagkamali ang lalaking inutusan para sabuyan ng asido ang karakter niyang si Tata at sa halip ay si Venice ang nasabuyan.

Kinailangang sumailalim sa retoke ang mukha ni Venice (Jillian) dahil sa pagkasira nito mula sa asido at naging ibang tao na ito.

Gumaling si Venice mula sa gamutanngunit nang tanggaling ang cover ng mukha ay si Myrtle Sarrosa na ito.

Baka Bet Mo: Jillian Ward, Michael Sager wala pang balak jowain ang isa’t isa

Ayon sa episode, nasira na ng asido ang kanyang mukha kaya naman ginawan nila ng paraan para maayos ito kaya nag-iba ang mukha ni Venice. Maging ang boses nito ay nag-iba dahil masira ang vocal cords sa tagal sa ventilator.

Marami naman sa mga netizens ang natawa dahil sa nakakalokang plot twist ng naturang teleserye.

“Nakakaloka from Jillian to Myrtle real quick. Di ko kinakaya,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ang sakit ng tyan ko kakatawa. Awit sa ‘yo GMA.”

“Ok pa Kung c Elijah alejo Kasi magkasing tangkad at hugis nang katawan sila ni Jillian POS similarities sila nang kutis anlayo sa pinalit e Mukha lang daw nagbago pero bat Ganon pati kutis morena look c mertil at matangkad na slim haysss anoba gma,” sey naman ng isa.

Samntala, super happy naman ang aktres na si Myrtle sa kanyang bagong role sa naturang teleserye.

“Hindi ako si V—almond. I am Venice. And Venice is back for vengeance— with a new face that will change everything.

“I’ll be back on television on the drama My Ilonggo Girl on GMA Network & GMA Public Affairs every night!” mababasa sa Facebook post ni Myrtle.

“This has been an unexpected blessing for 2025 but I am truly grateful to GMA, Sparkle GMA Artist Center Direk Rado, The whole production team behind MIG and ofcourse the beautiful Jillian Ward for the trust to be Venice for #MyIlonggoGirl Book 2. ”

“As a proud Ilongga, excited na gid ako to be a part of this show. Please watch and support! ” sey naman ni Myrtle.

Read more...