NAGKANSELA na ng klase ang ilang mga mga paaralan para sa paggunita sa 39th EDSA People Power anniversary sa darating na Martes, February 25.
Ito ay sa kabila ng anunsyo ng Malacanang na ang February 25 ay special working day.
Pinili pa rin ng ilang mga paaralan na magsuspende ng klase upang i-preserve ang relevance ng naganap na EDSA People Power Revolution.
Ang iba naman ay upang bigyang daan ang mga estudyante na makibahagi sa mga activities sa paggunita sa EDSA People Power.
Baka Bet Mo: EDSA posibleng magkaroon na ng ‘fees’, car owners kailangan magbayad –Remulla
Narito ang mga paaralan na walang pasok sa February 25.
• De La Salle Philippines (All 16 schools)
• University of Santo Tomas
• University of the Philippines – Cebu
• General de Jesus College
• Holy Child Catholic School, Inc.
• Imus Institute Inc
Walang pasok ang mga estudyante sa:
• La Salle Green Hills
• Saint Pedro Poveda College
• Xavier School
• Immaculate Conception Academy
Ayon naman kay University of the Philippines President Angelo Jimenez, magkakaroon ng alternative learning sa February 25. Pinayuhan rin niya ang iba pang chancellors para sa magiging work at class arrangements sa bawat campus,
Nag-anunsyo naman na si UP Los Baños Chancellor Jose Camacho Jr. na lahat ng klase sa UPLB ay naka-online asynchronous mode sa Martes.
Tulad ng UPLB, maging ang Ateneo de Manila University sy naka-asynchronous learning sa February 25.
Samantala, pinuri naman ng Student Council Alliance of the Philippines ang mga paaralan na nagdeklara ng class suspensions at nagkaroon ng alternative class arrangements para magunita ng mga estudyante ang EDSA People Power anniversary.
“Schools are not just institutions of learning; they are spaces where history, values, and democratic principles must be upheld. Declaring February 25 as a non-working day is more than a scheduling decision—it is a reaffirmation of our shared commitment to democracy, freedom, and justice,” saad ng SCAP.
“The continued exclusion of EDSA from the list of non-working holidays is an attempt to erase its significance and cleanse the name of the Marcoses. But we have the power to resist. As institutions dedicated to truth and nation-building, we must ensure that Filipino students and school communities have the opportunity to commemorate and reflect on this pivotal moment in Philippine history”.