Sam Milby inispluk na ang paghihiwalay nila ni Catriona Gray: But we’re OK

Sam Milby inispluk na ang paghihiwalay nila ni Catriona Gray: We're OK!

Sam Milby at Catriona Gray

SA kauna-unahang pagkakataon ay kinumpirma na ni Sam Milby ang paghihiwalay nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Halos isang taon na ang nakalipas nang mabalita ang tungkol sa breakup ng dating celebrity couple pero ngayon lang nagsalita ang Kapamilya hunk actor hinggil dito.

Nag-propose si Sam kay Cat noong 2023, pero makalipas nga lang ang ilang buwan ay napansin ng mga netizens na burado na ang mga post ng beauty queen at host tungkol sa engagement nila ni Sam.

Nagsalita si Sam about this sa naganap na mediacon ng ABS-CBN series na “Saving Grace” na pinagbibidahan din nina Megastar Sharon Cuneta at Julia Montes.

“If you want to ask if we are okay, we are okay. Wala kaming problema,” ang sabi ni Sam sa panayam ng ABS-CBN correspondent na si MJ Felipe.

Baka Bet Mo: Pia takot na takot noon sa mga pusa: ‘My gosh! Cats are so easy pala, you only have to teach them ONCE!’

Nang tanungin kung sila pa ba ni Catriona, ang mabilis na sagot ng aktor, “No.”

“Kami ni Cat, we’ve always been private about our relationship. We share certain things nu’ng na-engage kami, but in terms of the details, and buhay namin, we haven’t really shared,” paliwanag ng binata.


Spotted sina Sam at Catriona sa naganap na concert ni TJ Monterde kung saan nakitang umiiyak ang beauty queen habang kumakanta ang asawa ni KZ Tandingan. Makikita naman si Sam na halos katabi lamang ni Cat ang upuan.

“If you wanna ask her what she was feeling, I can’t speak for her. I know that we’re okay, kahit after nung concert I said, I’ll go to the backstage. ‘Cause we’re okay,” sabi ni Sam.

Sabi pa ng aktor, patuloy pa rin siyang nasa proseso ng pagmu-move on mula sa breakup nila ni Cat, “Focusing on work, just growing.”

Nagpapasalamat naman si Sam sa ABS-CBN dahil sa pagbibigay sa kanya ng chance na makasama sina Julia Montes at Sharon Cuneta sa seryeng “Saving Grace”.

Pagkatapos mapanood sa Prime Video, ipalalabas naman ang TV version nito na may titulong “Saving Grace: The Untold Story” na magsisilbing primetime TV comeback nina Julia, Sharon at Sam.

Ito’y tungkol sa pagkidnap ni Anna (Julia) sa estudyante niyang si Grace (Zia Grace) nang malaman niya ang pang-aabusong natatanggap nito mula sa sariling ina. Mas lalong matutuklasan sa serye ang iba’t ibang kwento sa likod ng masalimuot na nakaraan ng apat na nanay na ginagampanan nina Jennica Garcia, Janice De Belen, Julia, at Sharon.

Tutukan gabi-gabi ang “Saving Grace: The Untold Story” simula ngayong March 3, 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Read more...