Miguel Tanfelix gaganap nga kaya bilang Carlos Yulo sa ‘Magpakailanman’?

Miguel Tanfelix gaganap nga kaya bilang Carlos Yulo, nagpa-?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang ginagawang paghahanda ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix.

Base kasi sa Instagram post ng binata ay tila nagpa-practice ito ng gymnastics kasama ang two-time gold medalist na si Carlos Yulo.

“training na may konting pressure. Pang double @olympics gold na ba? hahahaha 😝 @c_edrielzxs,” caption ni Miguel sa kanyang post.

Kaya naman agad umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post dahil na-curious ang mga tao kung para saan ang kanyang training.

Baka Bet Mo: Zsa Zsa Padilla inisnab nga ba si Miguel Tanfelix?

“Feeling ko gaganap si Miguel as Carlos Yulo sa Magpakailanman,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Nice one Miggy.. pang olympic na.”

“Cgro ung next mgpakailanman about Kay Carlos yulo… Tz si Miguel ung ggnp… Kya nagpprktiz n ngaun,” hula rin ng isa.

Wala namang sagot ang binata patungkol sa mga hula ng mga netizens.

Bukod pa rito ay wala pa namang inilalabas na announcement ang drama-anthology series “Magpakailanman” kung itatampok nito ang istorya ng buhay ni Carlos Yulo at kung si Miguel nga ba ang gaganap.

Sa ngayon ay abala ang aktor sa kanyang pinagbibidahang eleserye na “Mga Batang Riles” na napapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8PM.

Read more...