
Kris Aquino, Joshua at Bimby
SA KABILA ng kanyang health issues, nagagawa pa rin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na tumulong sa ngangailangan nating mga kababayan.
Isang netizen ang nagbahagi sa social media ng pagbibigay ng tulong sa kanyang pamilya ng TV host-actress, pati na rin ng mga anak nitong sina Joshua at Bimby.
Ipinadala sa BANDERA ng confidante ni Kris na si Kuya Dindo Balares, dating tabloid entertainment editor, ang Facebook link ng mensahe ng naturang netizen.
Makikita sa post ang mga litrato ng uploader kasama ang kanyang tatay na may karamdaman. Narito ang buong FB message niya para sa pamilya ni Kris.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin sinaway ng netizens, huwag na raw pag-usapan si Kris Aquino: ‘Leave her alone’
“MARAMING MARAMING SALAMAT PO MAM KRIS COJUANGCO AQUINO PATI NA PO SA INYONG ANAK NA SINA JOSH AND BIMB.
“SOBRANG MALAKING TULONG NA PO ANG INYONG IBINIGAY PARA SA AKING PAPA SANA PO AY BIGYAN KAPA NANG MAHABANG PANAHON NANG POONG MAYKAPAL MAAM KRIS AQUINO.
“NAPAKABUTI TLGA NANG PANGINOON, SALAMAT PO SA AMA. AT SA DOKTOR PO NANG AKING PAPA NA SYANG GINAMIT UPANG MAGING DAAN, MARAMING, MARAMING SALAMAT PO DOK PADLAN.
“SANA MARAMI KA PANG MATULONGAN NA KAGAYA NAMIN SALAMAT PO,” ang pagbabahagi ng netizen.
Pinuri naman ng netizens si Kris sa pag-aabot niya ng tulong kahit na nga may pinagdaraanan din siya sa kanyang autoimmune diseases. Narito ang ilan sa mga comments.
“Talaga mahal kayo ni Lord bii di nya kayo pinababayaan. Laban lang sa buhay pagaling si papa mo .Mkaka recover din agad si papa mo nyan. God is Good All the time.”
“Grabe ang babait tlg nila bii hopefully makarecovet agd c papa mu godbless.”
“D parin po humihinto c madam sa kakatulong sir dindo sana bigyan pa sya nang panginoon nang mataas na buhay at syempre sana good health na.”