Alyana Asistio engaged na sa non-showbiz BF: Thank You, Lord!

Alyana Asistio engaged na sa non-showbiz BF: Thank You, Lord!

Alyana Asistio, Raymond Mendoza at Nadia Montenegro

ENGAGED na ang aktres at celebrity chef na si Alyana Asistio sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Raymond Mendoza.

Mismong si Alyana ang nag-post ng mga litrato sa Instagram na kuha sa ginawang proposal ng kanyang future husband.

Ibinandera ng aktres sa social media ang kanyang engagenent ring kasunod ng pagsagot niya ng “yes” sa marriage proposal ni Raymond.

“Yesterday’s devotion spoke to me in ways I didn’t expect. Little did I know, my life’s greatest surprise would also happen that same day,” simulang pagbabahagi ng anak ni Nadia.

Aniya pa, “Thank You, Lord, for everything. I know You have been molding me into the best version of myself.

Baka Bet Mo: Vivamax hunk Ali Asistio type ipinta ng nude si Liza: Talagang dyosa!

“The past 30 years may not have been the smoothest ride, but your guidance has led me to this beautiful moment, one of the greatest surprises I could ever imagine,” mensahe pa ng celebrity chef.

Feeling proud din si Alyana sa sarili at sa kanyang fiancé, “Choosing purity with Bryan has been the hardest yet most meaningful commitment we’ve made to you, to ourselves, and to our parents.

“And now, I can finally say that the first time I kiss my future husband will be in front of you,” pagbabahagi pa ni Alyana.

“I always tell you that you’re the best decision I’ve ever made, and saying ‘yes’ to a lifetime with you would be the greatest answered prayer of my life,” pahabol na mensahe pa ni Alyana.

Makikita sa ilang pictures na ibinahagi ng aktres ang nanay niyang si Nadia Montenegro at ang ilan pa niyang kapamilya at malalapit na kaibigan.

Bumuhos naman ang mga congratulatory message para sa newly- engaged couple mula sa mga celebrities tulad nina Mikee Quintos, Matt Lozano, Andrea Del Rosario, John Prats, Bernadette Allyson-Estrada at marami pang iba.

Si Alyana ang ikatlong anak ni Nadia at napanood sa mga teleserye tulad nh “World Between Us” at “The Seed of Love.” Naging scholar din siya sa International School for Culinary Arts and Hotel Management.

Read more...