Jake sinira ang ‘moment’ nina Bea at Ken Chan


Nag-apologize si Jake Vargas sa walang pakundangan niyang pag-apir sa album launch nina Bea Binene and Ken Chan.
Marami ang naimbudo sa ginawang eksena ni Jake sa album launch.

Kung bakit kasi naroroon pa siya gayong hindi naman siya welcome sa okasyon na iyon na sana ay moment nina Ken at Bea. Nang mag-duet kasi sina Jake at Bea ay pinagkaguluhan talaga sila at naiwan sa isang tabi si Ken.

If that’s not pambabastos, we don’t know what it is. “Actually kaya po ako pumunta doon sa album launch ni Bea at saka ni Ken ay para suportahan silang dalawa.

Si Bea kasi gusto ko siyang suportahan kasi siya ‘yung love team, si Ken naman kasi kapatid ko siya dito sa Walang Tulugan,” esplika ni Jake sa show ni Kuya Germs noong weekend.

“Hndi ko po alam na ganoon ang mangyayari. Alam kong pangit para sa inyo. Siyempre ako na po ang humihingi ng dispensa kay Ken, na gano’n. Brother, sorry,” dagdag pa niya.

Ito namang si Ken ay nagpakaplastic. When he shared in an interview na sobrang disappointed siya sa ginawa ni Jake ay inisip naming sasabihin niyang talagang nadismaya siya sa Kapuso actor. Pero hindi ito ang nangyari.

Parang nawala lahat ng galit niya kay Jake noon when he said, “Nag-usap kami sa backstage, ‘di ba Jake? Doon pa lang ‘Tay ay nagkaayos kami, nagka-sorry-han kami dahil hindi naman maganda po ‘yung mga nagiging issue o ‘yung naririnig namin kaya lalong (umiinit), ‘yung kanya-kanya naming fans ay sila ‘yung nagsasalpukan, nagsasagutan.

Alam naman po natin ‘yung mga fans kapag mahal nila tayo ay hindi natin maiiwasan ‘yan.” Bigla ring nag-sorry si Ken kay Jake, hindi ba nakakatawa?

“Ngayon po gusto ko ring humingi ng sorry kay Jake dahil sa mga lumabas na issue. In the first place, trabaho lang talaga. Trabaho lang talaga ‘yung pagsasama namin ni Bea doon sa album.

Sa mga JaBea fans, sana maintindihan n’yo po ang mga nangyayari at sana maging open-minded tayo sa lahat ng mga bagay dahil kung hindi po tayo open-minded ay wala po tayong patutunguhan.”

Ito namang si Kuya Germs ay halatang kampi kay Jake when he said na pumunta si Jake sa album launch “bilang pagsuporta sa love team at bilang kapatid na rin.”

“Wala sa utak niya (na maiintriga siya) dahil kung right there and then na merong tao doon na maaaring may kinalaman sa album na nagsabi na ‘Jake, sorry, ‘wag mong gawin ‘yan kasi moment ito ni Bea at saka ni Ken para sa album.’

“Susunod at susunod si Jake kung siya ay bibigyan ng ganoong klase ng pagsasalita. So, walang nagsalita na ganoon so ang buong akala ni Jake ay makakatulong para sa album (ang pagpunta niya),” paliwanag ni Kuya Germs.

( Photo credit to Google )

Read more...