Sarah natatakot magpa-interview kay Kris, baka mabuking ang lihim


UNTIL now ay much-awaited event pa rin pala ang guesting ni Sarah Geronimo sa morning show ni Kris Aquino. Three years have come and gone pero hindi pa rin yata ready si Sarah na mainterbyu ng Queen of Talk.

Yes, tatlong taon na ang nakararaan nang magpadala ng request ang staff ni Kris para i-guest ang Pop Star pero wala pa ring nangyayari.

Meron na ngang nagungulit kay Darla Sauler kung kailan masisilayan ang beauty ni Sarah sa show ni Kris pero until now ay isa itong million dollar question.

“ASK VIVA kasi po tatlong taon na ring walang sked na maibigay sila,” sagot ni Darla sa nangungulit sa kanya kung kailan aapir si Sarah sa programa ni Kris.

Is Sarah afraid of Kris? We think so. Alam mo naman kasi si Kris, palaging ino-on-the-spot ang kanyang mga guest, palaging binubuking ang kanyang mga bisita kaya it would take a lot of guts and gumption for a celebrity na mag-guest sa kanyang programa.

Still on Sarah, marami ang nagkagusto sa production number niya with Songbird Regine Velasquez and Lea Salonga sa kanyang nakaraang anniversary concert.

But just the same, there were some people, too, who were disappointed sa kanyang pagkanta sa Barbra Streisand medley. Many were saying she was off-key and that nilamon siya nang buong-buo nina Regine and Lea.

Actually, napanood namin ang video nila sa internet and we felt na kabado si Sarah when they were singing the Barbra Streisand medley. Siyempre nga naman, Regine at Lea ang kasabayan niya.

Pero naitawid naman niya nang maayos ang kanta, ‘yung nga lang, sobrang obvious ang kanyang kaba.

( Photo credit to Google )

Read more...