
Ara Mina,Dave Almarinez, Ryza Cenon at Daiana Meneses
TUWANG-TUWA ang mga Rizaleño nang personal nilang makita ang ilang celebrities na nakiisa at nakisaya sa naganap na Turismo Motorcade kamakailan.
Tinatayang humigit-kumulang sa 60,000 hanggang 100,000 katao ang sumalabong sa Turismo Partylist motorcade sa Taytay, Rizal kamakailan.
Pinangunahan ito ng award-winning actress-singer at Turismo ambassador-advocate na si Ara Mina na super happy sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taga-Rizal.
Nakasama rin niya sa naturang event ang kapwa aktres na si Ryza Cenon at ang Brazilian TV host-model na si Daiana Meneses na walang arteng nakipagpiktyuran sa mga Rizaleño.
Makikita sa video at mga litrato na naka-upload ang saya at ingay ng mga Rizaleño sa pagbisita ng tinaguriang Tourism Beauties dahil sa kanilang pagsuporta sa turismo ng bansa at ang mga programa nito.
Baka Bet Mo: Daiana Menezes namatay ang baby habang ginagamot ang breast cancer
Ang kanilang mga pagganap sa mga pelikula at telebisyon ay isang uri daw ng turismo kung saan sila napapanood at nakikilala sa ibang bansa at siyang dinadayo ng iba’t ibang mga banyagang turista na bumibisita sa Pilipinas.
Sa ngayon ay abala si Ara sa kanyang upcoming shows at mga ipalalabas na pelikula ngayong 2025 pati na rin si Ryza na may bagong hairstyle para bago niyang horror movie na “Lilim” na malapit n’yo nang mapanood.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagho-host ni Daiana sa isang daily morning show kung saan hasang-hasa na ang kanyang pananagalog. Isang Brazilian si Daiana na nakipagsapalaran sa pag-aartista dito sa ating bansa.
Abangan natin ang pakikisaya ng tatlo sa mas marami pang tourism projects ng bansa ngayong 2025.
Pinangungunahan naman ni dating Department of Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo at ng successful businessman at husband ni Ara na si Dave Almarinez ang nasabing partylist.
Madaling nakilala ang Turismo partylist dahil na rin sa magandang plataporma nito para sa mas maunlad na turismo ng Pilipinas.
Komersyo, trabaho at asenso ng bawat Pilipino at higit sa lahat ay ang turismo ng bansa ang nais paigtingin ng team Turismo.