
PHOTO: Instagram/@arianagrande
MAS gusto na ni Ariana Grande ang maging aktres kaysa sa pagiging pop star.
Inamin ‘yan mismo ng Grammy-winning singer sa interview ng The Hollywood Reporter kung saan ibinunyag niya na napapagod na siya sa pressure ng music industry.
Nabanggit pa nga niya na may epekto na sa kanyang mental health ang pagiging pop star, pero ang pagganap niya bilang “Glinda” sa musical film na “Wicked” ay tila naging isang paraan ng kanyang paghilom.
“At a certain point, you get tired of that [pop star] character, because it is a character,” sey niya sa US magazine.
Paliwanag niya, “There are pieces of you and your story that are woven throughout your songwriting, but then, because of the way it travels and becomes sensationalized, it gets away from you.”
“And beneath all of it is just a girl from Boca who loves art, and I think that’s why it’s been such a deeply healing gift to disappear into this character [Glinda]—to take off one mask and put on another,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, mas gusto raw niyang mag-focus sa pag-arte dahil ito na ang nagbibigay ng saya sa kanya.
Kamakailan lang, nakatanggap si Ariana ng kanyang unang nominasyon sa Oscars para sa pagganap niya bilang Glinda.
Sa kabila ng kanyang tagumpay sa musika, sinabi niyang wala pa siyang balak mag-tour dahil mas nais niyang gumawa pa ng mas maraming pelikula.
Ngunit kahit nahuhulog na ang loob niya sa pag-arte, tiniyak niyang hindi mawawala sa kanya ang pagkanta.
“I kind of have a specific vision for things, and sometimes that will delay them, but I love singing those songs, and I really love performing, [but] being on stage right now, I don’t have a plan for that, but it’ll always be in my life. And I love those songs very much,” ani ni Ariana sa Variety Awards Circuit podcast.
Matatandaang inilabas ni Ariana ang kanyang ikapitong studio album na “Eternal Sunshine” noong Marso ng nakaraang taon.
Habang ang pangalawang bahagi ng pelikulang “Wicked” ay nakatakdang ipalabas sa Nobyembre ngayong taon.