HOROSCOPE, November 19, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy ang suwerte, basta’t sumunod ka lang sa mga sinasabi ng kaibigan at mga mahal sa buhay. Sa pag-ibig, tuloy ang malamig na romansa, ngunit muling magiinit ang relasyon habang lumalapit ang kapaskuhan. Mapalad ang 4, 11, 29, 38, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Japa-Om.” Red at yellow ang buenas.
Aries –(Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, maging maingat sa paglalabas ng pera, may babala na maloko ka na naman. Sa pag-ibig, ituon ang pansin sa kasuyong Virgo upang lalong uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 6, 15, 24, 31, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum Suryaye Maneh.” Pink at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—‘Wag pang hinaan ng loob. Kung magiging buo ang iyong loob, maraming pagkakakitaan ang kusang darating sa buwang ito ng Nobyembre at Disyembre. Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kashta-Kashta-Om.” Gray at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Panatiliin ang ugaling optimista. Sa negosyo, sa pagiging negatibo maraming oportyunidad ng pagkakaperahan ang mawawala. Sa pag-ibig, kung lagi kang nagiisip ng di maganda, paano makakasumpong ng ligaya? Mapalad ang 3, 9, 30, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Nasa sarili mong pagsisikap ang iyong ikauunlad. Wag kang umasa sa iyong mga kadugo at kamag-anak. Dumiskarte ka ng sarili mo. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay lilipas din. Mapalad ang 8, 16, 25, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga.” Lilac at purple ang buenas.
Leo – (Juy 23 – August 22)—Anuman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag  guluhin ang iyong isip sa problema ng ibang tao. Sa pag-ibig, kapag payapa ang buhay, mas masarap na romansa ang mararanasan at kapag naging masarap ang romansa, mas maraming salapi ang darating. Mapalad ang 7, 16, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rama-Om,” Orange at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Habang sagana ang buhay matutong mag-impok. Ang pagiipon ang tiyak na landas ng magandang kinabukasan. Sa pag-ibig, magpatago ng pera sa minamahal. Mapalad ang 7, 17, 25, 38, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Om.”  Green at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Higit na mas magiging masaya ang kapaskuhan kung magsasama-sama ang pamilya, kahit na sa isang simpleng bakasyon lang sa malayong lugar. At  mentras buo at masaya ang pamilya maraming magagandang kapalaran at suwerte ang darating. Mapalad ang 2, 13, 25, 31, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Posse-Vindentur-Aum.” Red at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Magtatagumpay ang anomang binabalak kung isa sa isantabi muna ang emosyon. Isipin mong lagi, “pera-pera lang ang labanan!” Sa pag-ibig, kailangang makaisip ng paraan, upang makatulong ang kasuyo sa mga gawaing may kaugnayan sa pagpapayaman. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Pad-Me-Om.” Beige at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— ‘Wag ilihim ang lungkot na nadarama. Ang  negatibong damdamin ay magdudulot ng pagkalugi. Sa pag-ibig, panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na problema. Mapalad ang 4, 10, 15, 27, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Umiwas sa gawaing hindi naman mapagkakaperahan. Mag-concentrate sa pagiipon ng pera para sa future ng pamilya. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo, yayain siya kumain sa isang mamahaling restaurant. Mapalad ang 5, 17, 29, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung magpapa-ganda kang muli, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kung maliligo ng dalawang beses sa isang araw, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Sucti-Om.” Orange at black  ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Kulang ka sa konsentrasyon. Hindi dapat pagsabay-sabayin ang negosyong naiisip, mag-concentrate ka lang sa iisang kalakal. Sa pag-ibig, isa-isa lang dapat ang karelasyon, upang higit kang lumigaya. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yamasoda-Om.” Violet at white ang buenas.

Read more...