Lloydie pinigilang magpunta sa Leyte, baka malagay sa panganib


IPINAGTANGGOL ni Angelica Panganiban ang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa mga tsismosa na nagtatanong kung bakit daw wala silang naririning o nababalitaang ginagawa ng aktor para sa mga nasalanta ni Yolanda.

May mga nababasa kami sa mga social media mula sa mga netizens na nang-ookray kay Lloydie, habang palakihan na ng halaga ang laban sa pagdo-donate ng relief goods sa Visayas region, nasaan daw ba si John Lloyd? Bakit tahimik lang daw ito at parang nagtatago?

Ayon kay Angelica, unfair naman daw na sabihang selfish, walang kuwenta at hindi marunong tumulong si Lloydie sa mga nangangailangan, hindi naman daw kailangang laging ibalita sa TV o dyaryo ang pagtulong na ginagawa ng isang tao.

“Actually, noon pa, noon pa niya gustong magpunta ng Tacloban, kaya lang…gusto niya talagang magpunta, pinigilan lang siya, kasi hindi pa rin yata safe so…ngayon may pinaplano sila.

“Kasi ang gusto niya mangyari, siyempre ngayon ang daming tumutulong, tuluy-tuloy ang tulong, baka mamaya, makalimutan ng mga kapamilya natin na magpa-Pasko na rin.

“So, gusto niyang i-extend yung tulong para i-stretch yun hanggang Pasko, para naman maging masaya pa rin yung Pasko nila,” mahabang paliwanag ni Angelica nang mainterbyu ng press sa isang event.

For her part, bukod sa pagbibigay ng donasyon, magkakaroon din daw ang grupo nila sa Banana Split ng charity auction kung saan magbebenta sila ng ilan sa mahahalagang gamit nila para sa mga biktima ni Yolanda at pati na rin sa mga nilindol sa Bohol.

“Kami sa Banana Split, nag-uusap-usap kami dahil nga du’n sa nangyari sa amin sa Bohol (malakas na lindol). Nabigyan kami ng pangalawang pagkakataon, nakaligtas kami, sobrang pinalad kami, sobrang blessed namin, at nakauwi kami lahat sa mga bahay namin, at buhay kami hanggang ngayon.”

“Naniniwala ako na sa sama-sama nating pagtulong, magkakaroon sila (mga biktima) ng pangalawang pagkakataon para ituloy yung buhay nila…para buuin kung ano yung nawala sa kanila.

“So, malaking bagay lang siguro, kung saan kami nanggagaling, para maka-relate kami nang sobra-sobra sa kanila. Kaya gumagawa kami ng paraan para makatulong, hindi lang sa Samar, kundi sa Visayas.

Hindi lang sa Yolanda, pati pa rin du’n sa mga biktima ng lindol,” sey  ni Angel.

( Photo credit to Google )

Read more...