Vice naghubad sa benefit Show para makalikom ng mas malaking Donasyon | Bandera

Vice naghubad sa benefit Show para makalikom ng mas malaking Donasyon

Julie Bonifacio - November 19, 2013 - 03:00 AM


AS expected, dinumog ang benefit show ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Laffline last Friday. Mahigit P300,000 ang pinagsamang share sa tiket na at ang diretsong cash donation  na nakuha ni Vice sa mga request na kanta sa kanya.

May nagbigay ng isang bungkos na dalawang P10,000 at P12,000. Kasunod nito ang pag-o-auction ni Vice ng kanyang suot na damit at sapatos.

Unang nakuha ang shoes sa halagang P20,000, ang black pants sa halagang P10,000, ang black shirt ay P20,000, earrings at P3,000, one set of ring at P4,000 at ang necklace niya at P5,000.

After the show ay pinuntahan namin siya sa kanyang dressing room. Nahiya naman si Vice nu’ng abutan namin na nagsusuot ng pantalon. Nagtataka nga raw siya sa sarili kung bakit sa stage, e, hindi siya nahihiyang maghubad.

Feeling ni Vice lahat naman gustong tumulong sa mga nasalanta ng Yolanda. Nasisiguro raw niya lahat ng Pilipino ngayon gustong tumulong at lahat ay may kanya-kanyang diskarte. At ang pagso-show ang pinakamadali para kay Vice.

“Kaya ko naman, e, magbigay ng pera. Pero mas malaki kung nakakahingi pa ako ng tulong, ‘di ba? May mga nagko-comment nga na, bakit kailangan niyang mag-solicit, bakit kailangang humingi ng tulong sa ibang tao?

Kung gusto niyang tumulong pwede namang sa inyo, e, dahil ang lalaki naman ng kita ninyo?’  “Nagbibigay naman kami pero hindi na namin kailangang sabihin, ‘Nagbigay po kami ng P2 million,’ ‘di ba?

Mas malaki kung magtutulong-tulong. ‘Di ba ‘yung kaya kong ibigay mas madadagdagan kung makakahingi ako ng tulong sa iba at isasama ko,” pahayag ni Vice.

Nauna na palang nagbigay si Vice ng kanyang cash donation para sa mga kababayan natin sa Kabisayaan. Pero ayaw na niyang sabihin kung magkano. Tantya namin mga P2 million ang donatin ni Vice.

Nakahinga raw ng konti si Vice after his benefit show sa sikip ng dibdib na dala-dala niya. “Nu’ng Wednesday nga nag-taping ako ng GGV (Gandang Gabi Vice) pero bago kami nag-taping nanood ako ng news, sabi ko parang hindi ko kayang magpatawa. Sobrang nakakadurog na ‘to ng puso.

Napapanood ko lang ‘to sa mga pelikula, e.  Pero nangyari sa Pilipinas pa, sobra naman.” Originally, wala naman daw sa plano niya ang magpa-auction ng gamit niya that night.

“Habang nagbibihis ako kasi hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Kaya sabi ko, i-auction ko ang damit ko na ‘to, ‘Day. Tapos  hindi alam ng audience, ha. Pero nag-participate sila ng bongga.”

May part 2 ang benefit show ni Vice on Monday at gagawin niya ito sa Punchline Comedy Bar. This time, ang mga kasama niya sa Showtime ang magdyo-join sa kanya na mag-perform.

“Oo, mag-o-auction ako ulit. Bahala na. Basta kung ano ang suot ko, maghuhubad ako or anuman. Kasi syempre mas gusto nila kung nakita nila na suot mo talaga, may pawis mo, ‘di ba?”

Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Vice that night. “Masaya pero meron pa akong kayang gawin. Hindi pa tayo dapat huminto, e, Kasi the word enough, hindi natin alam kung kailan enough ‘yung enough, e.

Maraming nagsasabi, e, marami namang binigay na tulong ang ibang bansa. Hindi ninyo alam ‘yung kung ano ang extent ng damage  ng mga lugar na nasalanta talaga. ‘Yung nakikita ninyo sa TV hindi pa ‘yun, e.

Marami pa tayong hindi nakikita.” Supposedly personal na tutungo sa Tacloban City si Vice with Kris Aquino last weekend. Pero hindi sila natuloy.

“Ah, hindi kami binigyan ng permit kasi hindi raw safe dahil meron daw ‘yung ‘mob mentality’ ng mga tao, dangerous na raw. Baka kapag nalaman nandoon kami baka raw lalong makagulo.

Imbes na makatulong kami, makasakit pa kami. Kaya huwag na raw muna.” Tinanong namin si Vice kung plano ba niya na gawin ang benefit show niya in a bigger venue.

“Biglaan kasi ‘to, e. Sabi ko nga gusto kong mag-Araneta (Coliseum) kahit P100 ang entrance. E, palalampasin ko muna ‘yung sa ABS-CBN. Kasi baka naman ano, ‘di ba? Mas maganda ‘yung mapuno rin sila.

Tapos makakuha rin ako ng malaking mado-donate. Baka ‘yung mga tao malito pa at hindi nila alam kung saan sila manonood. Ang ending pareho kaming hindi nakinabang.”

Naki-join din nga pala sa benefit show ni Vice sa Laffline sina Chokoleit, Pooh at Pokwang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending