
Lexi Gonzales at Gil Cuerva
MAINIT pa ring pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa muntik nang paghihiwalay nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo dahil sa “third party.”
Nag-ugat ang hindi pagkakaunawaan ng engaged couple matapos yayain ng female friend ni Philmar na si Pernilla Sjoo na magpa-couple’s tattoo sila sa kanilang mga braso.
Feeling ni Andi, tinraydor siya ng asawa at ng “girl friend” nito dahil hindi man lang daw ipinaalam sa kanya ang tungkol dito. At ginawa raw ito ng dalawa habang may tampuhan ang mag-asawa.
Sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda” sa Kapuso couple na sina Lexi Gonzales at Gil Cuerva, napag-usapan ang boundaries sa kanilang mahigit tatlong taon nang relasyon.
Tanong sa kanila ni Tito Boy, paano sila nag-set ng kanilang relationship boundaries para mas maging malinaw ang takbo ng pagsasama nila as a couple.
Baka Bet Mo: Claudine Barretto muling mapapanood sa GMA; Gil Cuerva intense ang acting sa ‘Love You Stranger’
Sagot ni Lexi, “I think ako din I don’t ask so much of his time. If he needs his own personal space, I’d give that.”
Singit na tanong ng King of Talk? “Nanghihingi ba siya ng personal space?” Tugon ng dalaga, “Hindi rin naman e. Kasi I guess, hindi ko rin pinagkakait ‘yun sa kanya.”
Dugtong ni Lexi, pareho raw sila ni Gil na hindi masyadong seloso, kahit pa may kanya-kanya rin silang circle of friends.
Next na question ni Tito Boy, “Hindi ba delikado na hindi kayo nagseselos? In a good way, because selos is good as long as it is managed properly.”
Tugon ni Lexi, “Hindi naman Tito Boy kasi I think trust in a relationship is very important. If walang trust, I think, dapat wala na rin tayo kasi wala na rin tiwala.”
Ayon naman kay Gil, wala pa naman siyang nakikita kay Lexi na ikaseselos niya, “She has guy friends who I’m cool with, I’ve also met some of them. Ako naman, I also have female friends.”
Sumunod ngang tanong ni Tito Boy, kung okay lang sa kanila na may best guy friend at best girl friend ang isa’t isa.
Sey ng Kapuso couple, wala itong isyu sa kanila for as long as may boundaries din ang friendship nila.
Dagdag paliwanag ni Lexi, “If ever na may girl friend siya, and ‘yung mga girl friends din naman ni Gil, meron din naman silang respect for me na they take that boundary not to be too close din. Ako din with my friends, ganu’n din ako.”