JK sa pagkapanalo ni Dia Mate sa Reina Hispanoamericana: Congrats, baby!

JK sa pagkapanalo ni Dia Mate sa Reina Hispanoamericana: Congrats, baby!

JK Labajo at Dia Mate

SIYEMPRE naman, tuwang-tuwa at feeling proud si JK Labajo sa pagkapanalo ng kanyang girlfriend na si Dia Mate sa Reina Hispanoamericana 2025.

Si Dia ang nakapag-uwi ng titulo at korona sa katatapos lamang na grand coronation night na ginanap sa Santa Cruz, Bolivia.

Tinalbugan ng Filipino singer-songwriter ang 24 iba pang kandidata na rumampa sa naturang international beauty pageant.

Siya ang papalit sa trono ni Reina Hispanoamericana 2024 Maricielo Gamarra mula sa Peru. Si Dia rin ang ikalawang Pinay na nanalo sa naturang pageant na unang naiuwi ni Winwyn Marquez noong 2017.

Baka Bet Mo: Dia Mate ng Pilipinas waging Reina Hispanoamericana 2025

Kaya naman super happy din si JK para sa bagong achievement ng kanyang dyowa. Sa katunayan, talagang nag-post pa siya ng llitrato ni Dia sa Instagram Stories ngayong araw.


“Congratulations, baby!” ang maikling caption ni JK sa kanyang IG post.

Ilang araw bago sumabak sa Reina Hispanoamericana 2025 pageant si Dia, nag-post muna si Dia ng kanyang birthday message para kay JK na tinawag pa niyang “greatest love.”

“Happiest birthday to my best friend and my greatest love. You deserve the world and more,” ang mensahe ni Dia kay JK.

Read more...