Crissa sa isyu nina Andi, Philmar: ‘Bakit ‘di niyo ma-bash ‘yung bagong babae?!’

Crissa sa isyu nina Andi, Philmar: ‘Bakit 'di niyo ma-bash ‘yung bagong babae?!’

Crissa Habibi, Philmar Alipayo and Andi Eigenmann

MATAPOS ma-link at ma-isyu noon kina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, trending ang tila reaction video ng businesswoman at content creator na si Crissa Habibi.

Matatandaan noong May last year nang mag-viral ang video ni Philmar kasama si Crissa sa isang bar kung saan naging masyadong malapit ang dalawa sa isa’t isa.

Mismong ang businesswoman at social media personality ang nag-upload nito sa kanyang TikTok account, ngunit kalaunan ay binura rin niya ito.

Marami ang nainis kay Philmar matapos mapanood sa video ang paglapit ng kanyang mukha sa social media personality at tila pagtataas nito ng damit sa harap ng babae.

Ngunit nilinaw ni Philmar na wala silang ugnayan ni Crissa at walang malisya ang kanilang pag-uusap.

Baka Bet Mo: Philmar sa viral video nila ni Crissa: ‘It was edited to create an issue’

Dinipensahan rin noon ni Andi ang kanyang partner at sinabing wala siyang nakikitang masama sa ginawa ng kanyang future husband.

Gayunpaman, tila inakusahan ng aktres si Crissa na may malisyosong layunin sa pag-upload ng video sa social media.

At heto na nga, after eight months ay tila nakisawsaw si Crissa sa pinagdadaanan ngayon ng couple matapos kumalat ang “couple tattoo” issue nina Philmar at kaibigan nitong babae na si Pernilla Sjoö.

“Grabe ‘yung mga pamba-bash na natanggap ko sa mga Bisaya noong nagkaroon ako ng issue kay Philmar, tinawag pa nila akong b*rik*t,” sey ng content creator sa Bisaya.

Hindi niya binaggit ang pangalan ni Pernilla sa video, pero kinukwestyon niya kung bakit mas konting pamba-bash ang natatanggap ng nasabng babae kaysa sa kanya nang madawit siya sa kontrobersiya.

“Pero ngayon na may bagong babae, hindi niyo ma-bash. Bakit, hindi kayo marunong mag-English…t*r*nt*do kayo. Nanggigil ako,” wika niya sa post.

@crishabibi

♬ original sound – HABIBI MAIN

Kamakailan lang, sunod-sunod ang mga pasabog ni Andi hinggil sa estado ng relasyon nila ni Philmar.

Ito ay matapos mapansin ng maraming netizens na in-unfollow nila ang isa’t-isa sa IG.

Base sa mga posts ng celebrity mom, ang ikinagalit niya ay ‘yung pagpapa-couple tattoo ng surfer at ‘nung bestfriend nitong babae na hindi man lang siya kinunsulta.

Gayunpaman, nilinaw ni Andi na hindi nag-cheat sa kanya si Philmar, kundi ang nasabing dayuhang babae ang nagtaksil sa kanya.

Read more...