
Niana Guerrero, BTS j-hope
MATAPOS i-follow ni Jungkook last year, nadagdagan ng follower mula sa K-Pop kings na BTS ang social media personality na si Niana Guerrero.
Dahil kamakailan lang ay nag-follow back sa kanya ang lead rapper ng grupo na si j-hope!
Ang nakakatuwang balita ay ibinandera mismo ni Niana sa kanyang Instagram Stories.
Naloka nga mismo ang socmed star at proud na ipinakita ang screenshot ng pag-follow sa kanya ni j-hope.
Baka Bet Mo: Niana Guerrero na-meet, nayakap ang kanyang idol na si Billie Eilish
Ang caption pa riyan ni Niana, “That’s crazy.”
Kasunod niyan ay isa pang screenshot na ipinapakita na lima lang ang nasa following list ng Korean star.

PHOTO: Instagram Stories/@nianaguerrero
As of this writing, ang followers ni j-hope sa TikTok ay umaabot na sa 8.5 million.
Pito naman ang kanyang following kung saan kabilang ang official account ng BTS, ang co-member na si Jungkook, may dalawang luxury brands, ang music artists na sina Pharrell at Don Toliver, pati na rin si Niana.
Agad namang nag-viral ang latest news ng Pinay dancer at maraming netizens ang nagsabi na si Niana ang “luckiest fan girl” dahil dalawang BTS members na ang nagfo-follow sa kanya.
Sa ngayon, trending ang “wall dance” covers nina Niana at j-hope na umaani na ng 25 million at 2.8 million views, respectively, sa TikTok.
Maaalalang nagsimulang sumikat si Niana dahil sa dance covers niya ng “Teach Me How to Dougie” sa edad lima at “Despacito” sa edad 11.
Maraming international stars na rin ang naka-collab ng Pinay TikToker, kabilang na riyan sina Troye Sivan, Sabrina Carpenter, Billie Eilish, at Meghan Trainor.