Andrea Brillantes naranasan na nga ba ang ‘sumpa’ ng pagiging maganda?

Andrea Brillantes naranasan na nga ba ang 'sumpa' ng pagiging maganda?

NAGING bukas at totoo ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes tungkol sa mga bagay na kaakibat ng pagiging maganda.

Sa nagdaang Star Magic Spotlight presscon, nausisa ang dalaga kung may pagkakataon bang naranasan niya ang sumpa ng pagkakaroon ng pretty privilege.

“I feel like when you’re under the curse [of being beautiful], hindi mo mare-recognize that you are,” panimulang sagot ni Andrea.

Naibahagi nga ng aktres na noong bata siya ay hirap siyang makahanap ng kaibigan at hirap siyang makapili dahil lagi siyang nabu-bully.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes inabutan ng ‘suki card’ sa motel ng isang lalaking fan

“Yes. To answer your question, naranasan ko na ‘yun [sumpa],” pag-amin ni Andrea.

Kahit raw nang pasukin niya ang mundo ng showbiz ay ramdam pa rin niya ang hirap.

“Hindi ko talaga naramdaman na maganda ako. Hindi talaga ‘yun ang sinasabi sa’kin. Laging [pinaparamdam] sa’kin na hindi ako enough for them. ‘Yun ‘yung pinaramdam nila sa akin,” sey ni Andrea.

Dagdag pa niya, “Hindi ako makahanap ng [friend] community sa girls. Gagawin kong tibo ang sarili ko and du’n ako sa mga boys, hindi ito pagiging ‘pick-me’ pero sometimes lang kasi when you are in grade school, boys are less problematic.”

Amin ni Andrea, isa sa mga sumpa ng pagiging maganda ang magkaroon ng mga taong galit sa ‘yo.

“I think that’s one of the curses of being pretty, merong maiinis and maiinggit sa ‘yo at hindi ka nila kakaibiganin at paphirapan ka nila,” sey ng aktres.

Naranasan pa nga raw noon ni Andrea na masampal dahil marami ang mean sa kanya noong elementary.

Read more...