Sofia Andres tinakpan mukha ni Max Collins sa post, true kaya ang isyu?

Sofia Andres tinakpan mukha ni Max Collins sa post, may galit kaya?

Sofia Andres, Max Collins

AGAW-PANSIN sa social media ang naging Instagram Story ni Sofia Andres kamakailan lang.

Ito ‘yung ni-reshare niyang post mula sa Metro Magazine Philippines, pero ang nakakaintriga ay ‘yung pagtakip niya sa mukha ni Max Collins.

Ang artikulo na shinare ni Sofia ay pinamagatang “This New Dior Bag is Already Celebrity-Approved” na tampok ang litrato nina Sofia, Sarah Lahbati, Heart Evangelista, at Max.

Sa IG Story makikita na pinaligiran ni Sofia ng blue heart emojis ang ni-reshare, ngunit may malaking blue heart at may katagang “Dior” sa picture ni Max na halos hindi na siya makita.

Baka Bet Mo: Sofia Andres pinutol ang ugnayan kay celebrity stylist Steph Aparici, anyare?

May kaparehong post din si Max, pero hindi naman niya tinakpan si Sofia.

Burado na ang nasabing IG Stories, pero maraming netizens ang nag-screenshot nito at ibinandera sa internet.

Sofia Andres tinakpan mukha ni Max Collins sa post, may galit kaya?

PHOTOS: Screengrab from Instagram

Kung matatandaan noong November last year, iniulat ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang tungkol sa pagtataksil ng stylist ni Sofia na si Steph Aparici at ang nakakagulat ay tila nadamay sa isyu si Max.

“”Yun pala ‘yung Steph ang ginawa niyang ‘Sofia na bago’ ay si Max Collins…[and] at the same time binibigyan niya ng mga raket daw at mga endorsements na pinagkakatiwalaang brands kay Sofia ay nandoon na kay Max Collins,” sey niya sa Showbiz Update.

Dagdag niya, “Tsaka ‘yung mga connections and contact numbers, ayun nandoon na kay Max Collins. Oo, ‘yan ang nakarating sa atin kaya maanong linawin ‘yan nu’ng Steph at ni Max Collins ‘no?” 

Habang nagre-report si Ogie ay ipinakikita ang mga larawang magkasama sina Max at Steph sa mga events at pinakita rin ang mga komento ng netizens sa post ng huli.

“Kung sakaling totoo ang claimed ng kampo ni Sofia Andres na kinuha ‘yung mga contacts at ang in-endorse na lang sa mga contacts ay si Max Collins ay hindi magandang ugali!

“Kung totoo man ‘yan katapusan na ng career ‘yun nu’ng Steph. Hindi magandang ugali ‘yan na ‘yung mga contacts ni Sofia ay ibibigay mo sa iba,” paliwanag ni Ogie.

Read more...