![Alden binisita si Sandara Park, netizens kinilig: Collab naman d'yan!](https://bandera.inquirer.net/files/2025/02/GridArt_20250206_203533736-1200x819.jpg)
Sandara Park at Alden Richards
MARAMING kinilig sa pagkikita ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ng K-Pop Idol at Korean actress na si Sandara Park.
Ibinahagi ni Sandara sa kanyang Instagram account ang dalawang litrato nila ni Alden na magkasama na talaga namang pinusuan at kinakiligan ng mga netizens.
Kuha ang mga nasabing photos nang bumisita si Alden sa set ng upcoming K-pop survival show ng TV5 na “Be the Next: 9 Dreamers”. Si Sandara ang magsisilbing host ng programa.
Baka Bet Mo: Alden Richards walang target date sa pag-aasawa, may 1 quality na lang na hinahanap sa magiging dyowa, ano kaya yun?
“Thank you for visiting us on the set Alden. Nice meeting you,” ang short but sweet caption ng Korean singer-actress sa kanyang IG post.
Maraming nagkomentong netizens na parang nakaramdam sila ng kakaibang kilig sa pagkikita ng dalawa kasunod ng kanilang wish na sana’y magsama sila sa isang project. Narito ang ilan sa mga nadasa naming comments.
“Aw. Pwedeng gawan ng Series. Mala KDrama.”
“Dara and Alden manifesting to work together soon!”
“Eto dapat ang bagong love team for 2025.”
Samantala, ang “Be the Next: 9 Dreamers” ay mula sa MLD Entertainment PH at TV5. Aminado si Dara na inaatake rin siya ng kaba dahil ito ang unang pagkakataon na magiging main host siya ng isang reality talent program.
Kaya naman kakaririn daw niya talaga ang kanyang trabaho at commitment sa “Be the NEXT: 9 Dreamers” na magsisimula nang umere simula sa February 8.
“I’m really busy, so no friends, no alcohol, no rest, no vacation for now,” ang promise pa ng original member ng dating Korean girl group na 2NE1.
Dagdag pa niya, “As a host, I’m really excited to witness another K-Pop superstar.”
The survival program brings together 75 aspirants from the global auditions held in 2024, each vying for a coveted spot in a new 9-member boy group.
These dreamers will go through an intense journey, guided by an esteemed panel of mentors and judges to achieve their dreams of becoming global idols.
Dating member si Dara ng Korean group na 2NE1 kung saan nakasama niya sina CL, Park Bom, at Minzy.