
Mark Herras
HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin nakaka-move on si Mark Herras sa pagkamatay ng kanyang adoptive gay parents na sina Tito Hermie at Daddy Jun.
Until now daw ay nakararamdam pa rin siya ng matinding kalungkutan at anxiety kapag naaalala niya ang LGBTQ couple na umampon, nag-alaga at nagpalaki sa kanya.
“Actually, parang, feel ko, hindi ko siya nalampasan until now. Doon nabuo ‘yung depression, anxiety.
“Kapag meron akong sini-celebrate na death anniversary nila, minsan sobrang nagbi-breakdown ako kapag mag-isa ako,” ang pahayag ng actor-dancer sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
Baka Bet Mo: Wish ni Lolit kay Mark: Sana’y magseryoso na sa buhay ngayong kasal na
“One time, I remember, I think, huminto ako sa isang expressway. So parang tinatanong ko sila, ‘Did I ever say thank you to you guys?’
“Iyak ako, iyak ako. Kumbaga hindi ko siya nalagpasan. Hindi ako nakakapagluksa nang maayos,” lahad pa ni Mark.
Ngunit aisip niya na hindi siya pwedeng mag-dwell sa mga mapapait at masasakit na pangyayari in the past at kailangan niyang mag-move on para sa sarili at sa kanyang pamilya.
“But I need to move on. Kasi meron na akong sariling pamilya na binubuhay. ‘Yung anak ko, ‘yung magiging anak ko. And then my wife.
“At hindi naman ako pinabayaan ng mga in-laws ko, sobrang thankful, sobrang suwerte ako sa kanila,” aniya pa.
Inamin niyang hindi niya madalas nadadalaw sina Tito Hermie at Daddy Jun ngunit palagi naman daw nasa puso niya ang kanyang kinagisnang mga magulang.
“So, imbes na mag-grieve ako, imbes na malungkot ako, mag-depress ako, at alam mo ‘yun, ‘yung sarili ko, pabayaan ko, eh lumalaban ako sa buhay kasi meron akong kailangan buhayin,” pahayag pa ni Mark.
Sumakabilang-buhay si Claudio Herras, Jr. o Daddy Jun taong 2014, habang pumanaw naman ang kanyang Tito Hermie o Herminigildo Santos noong 2016.