Kakai: Dito talaga sa bansa natin NAPAKAHIRAP maging MAGANDA

Kakai: Dito talaga sa bansa natin NAPAKAHIRAP maging MAGANDA

Rhea Tan, Kakai Bautista at Jhai Ho

NAPAKAHIRAP daw maging maganda sa Pilipinas dahil sa taas ng standard ng ilan sa ating mga kababayan — ang hugot ng singer-comedienne na si Kakai Bautista.

Nag-post ang komedyana at biriterang singer sa Instagram ng update about her health and fitness journey kung saan ibinalita niyang mula sa 52, ay naging 50 kilos na lamang siya in less than 3 weeks.

Kalakip ang isang IG Reel ng mga naging pagbabago sa kanyang katawan, ay ang mga hugot ni Kakai tungkol sa pagiging mapanlait ng mga Filipino.

“Dito talaga sa bansa naten, NAPAKA-HIRAP maging MAGANDA. Mahirap PUMASA sa NAPAKATAAS NA STANDARD. Bansa to ng mga laitero’t laitera eh.

Baka Bet Mo: Kaila Estrada hindi lang basta anak ni Janice: Napakahirap pala!

“Pero sa tingin ko, KULANG LANG ANG MGA TAO ng ACCEPTANCE and LOVE FOR THY SELF. Kapag mapanglait ka, reflection yun ng LAHAT NG PANGIT SAYO na di mo kayang I-EMBRACE at TANGGAPIN,” ang bahagi ng caption ng IG post ng dalaga.


Patuloy pa niya, “Kahit sa KATAWAN napakataas akala mo yung nanglait, 16 lang ang beywang. Wala naman din akong PAKIALAM. Ang totoong concern ko ay ito:

“Madami ako nu’n. ACCEPTANCE. Mahirap lang para sa akin tanggapin na kasabay ng pag-age ng isang babae ay ang NAPAKARAMING pagbabago sa katawan nya. 46 na ako at ang pinaka-fear ko ay hindi maging maayos ang katawan ko sa maraming activities ko pang gustong gawin. 1 year kong pinag-isipan ang paglapit kay Doc @roland_angeles_md.

“GRABE!!!!!! di ako nagsisi! Almost 3 weeks of strict diet and medication, parang naibanyo ko lahat ng mga demunyu sa katawan ko!

“At higit sa lahat, I FEEL REALLY GOOD. LITERALLY and FIGURATIVELY. Kung 1M ang confidence i don’t give a f*ck level ko, naging 3M na today!

“So, to you DOC!!!!!! THANK YOU and Sana madami kapang mabagong BUHAY, MINDSET at CONFIDENCE.
Love you po!” ang buong pahayag ni Kakai.

In fairness, totoong pumayat ngayon ang komedyana. Nakasama namin siya sa pagbisita sa pag-aaring Pacita Mansion ng matagumpay na may-ari ng beauty kingdom na Beautéderm na si Ms. Rei Anicoche-Tan.

Matatagpuan ang mala-5 star hotel na Pacita Mansion sa Vigan, Ilocos Sur kung saan nabigyan kami ng chance na makapagbakasyon ng dalawang araw kasama ang ilan pang piling miyembro ng entertainment media.

Marami nga ang nakapansin sa kaseksihan ngayon ni Kakai at in fairness, kahit wala pa rin siyang dyowa ngayon, lutang na lutang ang kanyang freshness at glowing na awrahan.

Bukod kay Kakai, nakasama rin ang host-radio DJ na si Jhai Ho sa pagbabakasyon sa Pacita Mansion na game na game ring nakipag-bonding sa mga members ng media na malapit kay Ms. Rei.

Read more...