
Barbie Hsu at Cristine Reyes
RUMESBAK ang aktres na si Cristine Reyes matapos ma-bash nang bonggang-bongga sa ginawa niyang pakikiramay sa pagpanaw ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu.
Binanatan jasi si Cristine ng mga netizens nang mag-post siya ng mensahe ng pagdadalamhati sa pagkamatay ng “Meteor Garden” actress dahil sa pneumonia sa edad na 48.
Hindi nagustuhan ng mga Filipino fans ni Barbie o mas kilala sa Pilipinas bilang si Shan Cai, ang istilo ng pakikiramay ni Cristine
Nag-post si Cristine sa kanyang Facebook account ng lumang litrato nila ni Barbie na magkasama kung saan nagpahayag siya ng pagdadalamhati sa biglang pagpanaw nito dahil sa pneumonia.
Baka Bet Mo: Jodi wish maka-work sina Dingdong, Dennis, Alden; Lavender Fields pasabog
Pero na-bash nga siya nang dahil sinundan niya ito ng pagbati sa sarili para sa kanyang 36th birthday.
“Rest in peace our childhood favorite,” ang simulang post ni Cristine. “Also, happy 36th bday sa akin ngayon araw na ‘to,” dugtong ng girlfriend ni Marco Gumabao.
Sa kanyang Instagram Stories, muling nag-post ang aktres bilang sagot sa lahat ng mga nang-okray na netizens at kung anu-ano nang masasakit na salita ang ibinato sa kanya.
“Maligayang kaarawan sa akin. Yun na lang.. oks na? Kailangan palaging perfect. Bawal magkamali nowadays,” ang mababasa sa kanyang post.
Dadgag bwelta pa ni Cristine, “May kalupitan na kapalit sa mga bagay kapag nagkamali e, di ba? Marahil ako nga talaga ay nagluluksa ngayong kaarawan ko.
“Good? Ang daming magagaling sa mundo,” pahabol pa ng aktres.