MAGING ang dating asawa ni Barbie Hsu na si Wang Xiaofei ay nagluluksa sa pagkamatay ng Taiwanese actress.
Namataan ang Chinese businessman na dumating sa Taiwan Taoyuan International Airport kung saan kapansin-pansin na mukha itong pagod at malungkot ang aura.
Nang lapitan ng mga reporters, makikita ang dating asawa ni Barbie na pinagdikit nito ang mga kamay at nag-bow sa mga ito.
“Please say more good things about her,” sey ni Xiaofei at naglakad na ito papalayo.
Baka Bet Mo: Cristine Reyes basag na basag matapos makiramay sa pagkamatay ni Barbie Hsu
Dagdag pa niya, “Barbie is my family.”
Viral rin ang video nito kung saan makikitang naglalakad ito sa ulan at basang-basa.
Matatandaang 2011 nang ikasal sina Barbie Hsu at Wang Xiaofei at pinagkalooban sila ng dalawang anak.
Taong 2021 naman nang sila ay ma-divorce.
Naging laman ng mga balita ang dalawa dahil sa kanilang naging sampahan ng mga kaso.
Matatandaang kinasuhan ni Barbie ang dating asawa pati na rin ang ina nitong si Zhabg Lan sa ginawa nitong pang-iinsulto sa social media platforms na Weibo at Douyin.
Nitong nakaraang taon, sinabi ni Xiaofei sa media na ginamit ng Taiwanese actress ang oabtang credit card para ipambili ng mga regalo kay Jun-yup.
Ginantihan naman ito ni Barbie ng isang social media post kung saan ibinandera niya ang infidelity ng asawa habang kasal pa sila.