Atong Ang hinahanting si Xian Gaza dahil sa isyu ng missing sabungeros?

Atong Ang hinahanting si Xian Gaza dahil sa isyu ng missing sabungeros?

Xian Gaza at Atong Ang

NILINAW ng tinaguriang Pambansang Marites na si Xian Gaza na hindi totoong hinahanting siya ng negosyanteng si Atong Ang dahil sa umano’y Facebook Live niya tungkol sa mga nawawalang sabungero.

May ipinost daw kasi ni Xian sa kanyang Facebook kung saan siya nag-live, “So inamin mo na ikaw nagpadukot?”

Walang binanggit na pangalan si Xian kung sino ang tinutukoy niya sa FB Live pero marami ang nagkomento na si Atong Ang daw iyon bilang kilala ito sa cockfighting industry.

May cryptic post naman daw ni Atong na tila sagot sa sinabi umano ni Xian, “Pasalamat ka hindi ka sabungero hahanapin kita kahit nasaan ka.”

Baka Bet Mo: Cesar sa pag-amin ni Atong Ang na dyowa si Sunshine: ‘Saludo ako!’

Bukod dito ay binanggit pa raw umano ni Gaza ang tungkol sa relasyon ni Atong kay Sunshine Cruz.

Kagabi ay nag-post si Xian sa kanyang Facebook account na hindi totoong may sinabi siya tungkol kay Atong, pekeng balita raw ito.

Aniya, “About po doon sa Xian Gaza vs Atong Ang thing, that’s 100% fake news. Never po akong nag-post about him at never din po siyang nagsalita about me. That’s the reason kung bakit ni isang video clip about it ay wala kayong mapanood. Kasi nga, hindi totoo.


“Okay na okay po kaming dalawa. Bali mayroon pong isang Facebook page na gumagawa ng mga fake news articles to generate engagement.

“Fino-format nila ito in a very professional manner. Tapos s’yempre, marami tayong kababayan na medyo mahina, naniniwala sila agad tapos shine-share nila.

“Naparami ‘yung share tapos ni-repost na rin ng maraming pages kasi nga maganda ‘yung engagement. Ending, akala ng mga tao ay legit news ito.

“Na pinapahanap daw ako ni Atong Ang kahit saang lupalop ng mundo. Wala pong gano’n. Goods na goods po kami. Never akong nagsalita about him. Hindi ako tanga para gawin ‘yun. Never din siyang nagbanta about me. May possibility pa nga na hindi niya ako kilala at all,” paliwanag ni Xian.

At para maniwala ang netizens na hindi nagtatago si Gaza ay nagbigay siya ng kanyang schedule para sa mga gustong puntahan siya.

“Bali sa March 28 po ay maaari niyo po akong maka-bonding sa isang nightclub sa Tokyo. Ang pangalan po ay T2 Shinjuku. ‘Yung detalye kung paano makabili ng ticket ay nasa wall ko po. Kitakits mga Mare. Walwalan tayo. Tsismis ang pulutan,” post pa ni Xian.

Dagdag pa, “How to determine kung totoo na may in-isplook ako about sa isang tao? Nagkalat po ‘yung video clips sa TikTok.

“Kahit i-delete ko pa agad ‘yung FB Live o IG Live, marami pong nag-i-screen record. Same with Mr. Atong Ang. So kung wala po kayong mapanood na any video about it, ibig sabihin, it did not happen at all,” pagtatapos ng social media personality.

Read more...