Rhen Escaño sa online casino players: Learn how to stop, fun lang!

Rhen Escaño sa online casino players: Learn how to stop, fun lang!

Rhen Escaño

NEVER sinabi ng seksing aktres na si Rhen Escaño na hindi masama ang magsugal kahit pa ambassador siya ng isang online casino.

Iyan ang nilinaw ng dalaga matapos ang muli niyang pagpirma ng kontrata bilang endorser ng CC6 Online Casino & FunBingo nitong nagdaang weekend.

“Hindi ko po sinasabi na walang masama sa online gaming. Hindi ‘yun ‘yung unang words na maririnig nila sa ‘kin,” ang esplika ni Rhen sa pagharap niya sa press.

Aniya pa, “Lagi kong sinasabi na okay lang ‘yan pero may part diyan na hindi na magiging okay, kapag hindi ka na nakukuntento.

Baka Bet Mo: Rhen nanghihinayang dahil hindi inabot si Julia sa ‘Ang Probinsyano’

“Learn how to stop. Ito, dapat for fun ‘to, dapat makakatanggal ‘to ng stress sa ‘tin kapag masyadong heavy ‘yung work load, kapag masyado tayong stressed. Hindi siya dapat nagiging cause ng stress,” paliwanag pa niya.

Saad pa ng “Lumuhod Ka Sa Lupa” (TV5 action-drama series) star, “Hindi ako magiging cause ng downfall ng isang tao just because mayroon akong ini-endorse na casino game. Doon pa rin tayo sa ano, may good cause dapat.”


Itinuturing naman ng aktres na malaking blessing sa kanya sa pagpasok ng 2025 ang pagre-renew niya ng kontrata sa CC6 & FunBingo.

Sabi ni Rhen, isa pa sa ipinagpapasalamat niya sa pagiging endorser ng CC6 ay ang charitable activities na ginagawa nila.

“Gaming na may puso” ang kanilang slogan dahil hindi lang paglalaro ang kanilang focus kundi layunin din nilang tumulong sa nangangailangan nating mga kababayan.

Ilan sa mga charities na kanilang isinagawa ay ang pamamahagi ng grocery items at merchandise sa mga biktima ng landslide at pagbaha sa Davao del Norte at Marikina, bilang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad, feeding programs sa Makati, Cavite, at Manila, upang suportahan ang mga nangangailangan at pagbibigay ng tulong sa mga batang may kapansanan, upang mapadali ang kanilang pang-araw-araw na buhay.

Nagbabahagi rin sila ng tulong sa mga katutubong estudyante na Aeta sa Bataan, upang maipagpatuloy nila ang kanilang edukasyon at nagsagawa ng tree planting sa Rizal, Antipolo, upang makatulong sa pangangalaga ng kalikasan.

Bumisita at nagbigay din sila ng tulong sa mga kabataang babae na biktima ng pangmamaltrato sa Bulacan, kung saan doon mismo nagdiwang ng kanyang birthday si Rhen.

“Every Sunday, every weekend I look forward na may pinupuntahan kaming area, and ang lagi kong pinipili ‘yung maraming kids, kasi pagpunta pa lang namin dun, kahit mahaba byahe, kahit nakakapagod sya, nawawala stress ko sa buhay. Nawawala marami kong iniisip pag nakikita ko ngiti nila,” kuwento ng aktres.

“Ang pinaka-memorable sa akin was last year nu’ng pumunta kami sa community may mga Aeta na kids. May isang bata du’n na nakita ko yung food na binigay namin nakapatong lang sa armchair. Tinanong namin bakit hindi nya kinakain food.

“Ang weird hindi niya kinakain. Tapos sabi niya, iuuwi ko na lang po para mabigay sa kapatid ko at nanay ko. Du’n ako parang na-touch. Di ba? Ito yung mga klase ng tao na hindi ko palagi nami-meet na mata-touch buhay mo. Ito ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang endorsement na ito,” aniya pa.

Last February 2, ipinagdiwang ng CC6 at FunBingo na parehong PAGCOR-certified, ang kanilang 7th anniversary at bilang pasasalamat, mamimigay sila ng P77 bilyon.

Bukod dito, magdadagdag sila ng mga bagong features upang lalo pang mapaganda ang gaming experience ng kanilang mga tagapagtangkilik.

Kasama ang events team na pinamumunuan ni Dhevy Sahagun, B’Vibes Entertainment Production at ang JAF Digital Group, promise ng CC6 at FunBingo na patuloy silang magbibigay ng tulong at pag-asa sa mga komunidad.

Samantala, ang FunBingo, na may 40,000 daily users, ay ginawaran ng “Outstanding Community Service Award” dahil sa patuloy nitong adbokasiya sa pagtulong.

Read more...