Lovi Poe minalas nang maging dyowa si Jake Cuenca

Malas din si Lovi Poe kay Jake Cuenca?  It’s always good and more reliable kapag nakakaharap mo ang artista and talk issues directly kasi nangangahoy lang sa sinusulat ang iba.

Isa kami sa mga nakureyente noon nang may mabasa kami at nakitanong na rin kung ayaw na ba talagang maki-partner ni Lovi kay Jake.

Si Jake ang una naming natanong about this and he said he hasn’t heard about this but would love to do another one with Lovi if given the chance.

When it was Lovi’s turn to answer, ganoon din ang sagot niya, wala siyang problema to work with Jake again. We asked Lovi about this during the press visit of her GMA TeleBabad Akin Pa Rin Ang Bukas weeknights after Adarna.

Sabi nga ni Lovi, she even made a guest appearance sa isa sa huling movie ni Jake together with her co-star sa Akin Pa Rin Ang Bukas na si Solenn Heussaff pero hindi sila nagkasama sa eksena ni Jake but at least it disproves the rumor otherwise.

Natawa na lang din si Lovi nang sinabing baka raw si Rocco Nacino, ang partner niya ngayon sa serye ng GMA, ang nagsasabi sa kaniya na huwag nang makipag-partner sa ex.

Yes, Jake by the way admitted na naging sila ni Lovi for two years. Tumawa na lang ulit siya at ayaw mag-confirm or mag-deny about this. May idinagdag ang aming kasamahan sa quote ni Jake about that two years.

Say daw ni Jake, during that two years na magkasama sila ni Lovi, malas daw siya sa career niya. Natawa ulit si Lovi when she was asked to react about this as kung naging malas din daw ba sa career si Lovi during those years at ang sagot ni Lovelia, malas lang daw, period.

( Photo credit to Google )

Read more...