Magpapahalik na si Kylie Padilla for Adarna? Pilot tonight ng Adarna sa GMA TeleBabad replacing Kahit Nasaan Ka Man so this could be after Dingdong Dantes’ Genesis.
It stars Kylie in her first starring role for a primetime soap and the title role kaya tuwang-tuwa siya pati ang kaniyang amang si Robin Padilla, kaya personal pa itong nagpunta sa presscon para pasalamatan ang GMA for this opportunity given to her daughter.
Kylie stars as Ada, ang babaeng ibon in this Ricky Davao directed soap and she has three leading men, Geoff Eigenmann, Mikael Daez and Benjamin Alves.
Now for several times, we always ask Kylie kung payag itong magpahalik sa leading man niya. Logical ang sagot niya sa amin always, magpapahalik siya kung siya na ang bida at title role.
With Adarna, binalik namin sa kaniya ulit ang tanong kung magpapahalik na siya rito dahil binigay na sa kaniya ng GMA ang hiling niyang magbida sa primetime.
Ang unang taong sa amin ni Kylie, sa tatlo niya bang leading men? Sagot namin sa pinaka-partner niya lang and so she answered ngayon pa ba siya mag-iinarte?
Hindi na raw siya puwedeng mag-complain dahil binigay na ng GMA ang lahat sa kaniya. Tanong namin ulit, hihingi ba siya ng permiso sa father niyang si Robin or sa boyfriend niyang si Aljur Abrenica kapag ginawa na niya ito either kina Geoff, Mikael or Benjamin at natawa talaga kami sa sagot niya.
Hindi naman daw nagpapaalam sina Robin at Aljur sa kaniya kapag hinahalikan ng mga ito ang partners nila so why should she? Of course it’s just a joke and of course magpapaalam siya later pero she doesn’t want to think about it at this point dahil kabado pa siya sa outcome ng show.