BTS j-hope may sariling TikTok na, dinumog ng fans: ‘OMG! Is this real?!’

BTS j-hope may sariling TikTok na, dinumog ng fans: 'OMG! Is this real?!'

PHOTO: Instagram/@uarmyhope

MAY sarili nang TikTok account si j-hope, ang isa sa miyembro ng K-Pop kings na BTS!

Noong January 25 lamang nang ibandera ng K-Pop star ang first-ever video niya sa video-sharing platform.

Mapapanood na ini-slide ni j-hope ang kanyang telepono sa mesa at biglang umalis.

Mala-cryptic ang kanyang post na ang nakalagay sa phone ay “0307” na posibleng teaser sa upcoming pasabog niya.

Ang caption pa ni j-hope sa post, “Hi TikTok.”

Baka Bet Mo: BTS j-hope ibinandera ang suot na military uniform, nangakong mas pagbubutihan ang training

@iamurhope하이~틱톡:)

♬ 오리지널 사운드 – hobipower

Ang simpleng video na ‘yan ay umaani na ng mahigit 25 million views, halos 5 million views, at mahigit 300,000 comments, as of this writing.

Narito ang ilan sa mga naging komento ng fans:

“WELCOME TO TIKTOK HOBI! [purple heart emoji] FINALLY THE KING HAS ARRIVED [crown emoji]”

“I’m so glad jhope made a tiktok account [happy face emoji].”

“OMG is this real J-Hope? I mean the account [crying emoji]”

“HE NEVER BROKE HE’S PROMISE, ILOVEU JHOPE [heart hands emoji]”

“Hobi dance challenges soon [crying emojis]”

Kamakailan lang, inanunsyo ng Korean idol na magkakaroon siya ng concert tour na pinamagatang “Hope on the Stage.”

At isa sa mga bibisitahin niya ay ang Pilipinas kung saan magkakaroon si j-hope ng two-day concert sa SM Mall of Asia Arena sa April 12 at 13!

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may BTS member na magpupunta sa Pilipinas.

Pero kung matatandaan, taong 2017 nang nagtanghal ang buong grupo sa ating bansa dahil sa kanilang “Wings” concert na ginanap din sa MOA Arena.

Read more...