VACATION mode on ang kilalang social media personality at paresan owner na si Diwata o Deo Balbuena sa totoong buhay at kasalukuyang gumagala sa Boracay.
Sa kanyang ibinahaging vlog kamakailan ay makikita ang kanyang adventires habang nakasakay sa isang crystal kayak.
Kasama ni Diwata ang isang bangkero na siya ring nagsisilving tour guide at photographer ni Diwata.
Mapapanood naman ang chikahan nila ng bangkero kung saan tinanong niya ito ng ilang mga scenario.
Baka Bet Mo: Diwata inokray, nagmukhang ‘tikbalang’ sa Christmas costume
“Kuya, baka kung saan mo ‘ko dalhin ha… Halimbawa kuya malasing ako, saan mo ako dadalhin?” pabirong tanong ni Diwata.
Sagot naman ng bangkero, “Sa laot.”
“Anong gagawin mo sa akin sa laot? OMG?” sundot na tanong ni Diwata na tila kinikilig pa.
“Itatapon, ipapakain sa pating, haha, joke lang,” natatawang sabi ng bangkero.
Sagot naman ni Diwata, “Ay hindi ako kakainin ng pating. Ako mismo ‘yung pating.”
Marami rin sa mga netizens ang nag-comment at um-entry sa vlog ni Diwata.
“kami na bahala sa pampiyansa mo kuya hahaha pag-aambagan namin,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Baka ayawan din ng pating hahahaha.”
“Mag padala po ako sa sahod pang ambag sa pyansa,” chika pa ng isa.
Hirit naman ng isa pang netizen sa biruan ng dalawa, “Wag Kang mag alala kuya dika namin ituturo na Ikaw last kasama nya.”
Hindi naman napikon ang kilalang personalidad sa mga biro ng netizens sa kanya bagkus ay nagbahagi pa ito ng mga memes.
“GRABE KA KUYA,” sey niya sa kaniyang Facebook page.