Erik, Sarah, Rachelle 22 years nang magkaibigan: ‘Tumatanda na tayo, but…’

Erik, Sarah, Rachelle 22 years nang magkaibigan: ‘Tumatanda na tayo, but…’

PHOTO: Instagram/@eriksantos

NAGKAROON ng mini reunion ang binansagang “The Champions” na sina Erik Santos, Sarah Geronimo, at Rachelle Ann Go.

Ang kanilang pagkikita ay kasabay ng kanilang ika-22 years of friendship, base sa Instagram post ng King of Pinoy Teleserye Theme Songs.

“The OG’s!” proud caption ni Erik, kalakip ang ilang pictures nila together.

Makikita rin na present sa kanilang get together ay ang mister ni Sarah na si Matteo Guidicelli, ang asawa ni Rachelle na si Martin Spies, pati na rin ang kapatid ni Erik na si Hadiyah.

Baka Bet Mo: Rachelle Ann Go naloka sa presyo ng gulay sa Pilipinas: Bakit parang mas mura sa London?

“What a fun night. Natuloy din sa wakas! Saya ng bonding. We didn’t talk about work. We talked about life, love and body aches [laughing emoji]. Tumatanda na tayo but our friendship will definitely stay for life,” sey ni Erik.

Chika pa niya kung ano ang pinagkwentuhan nila, “Binalikan ang nakaraan, nung nagsisimula pa lang. Ang dami na nangyari at mga pinagdadaanan pero tinatawanan na lang natin.”

“Atleast kahit hindi tayo nagkikita madalas, we know in our hearts we always have each other’s backs. Hadiyah, sana naka relate ka sa kwentuhan namin ng mga ninang mo,” patuloy ng singer-TV host.

Mensahe pa niya sa longtime celebrity friends, “So happy seeing you guys. Love you all!”

Natuwa naman ang ilang bigating celebrities sa post ni Erik, katulad ni Megastar Sharon Cuneta at Vina Morales.

Saad ni Sharon, “Kakatuwa kayo makita!”

Tatlong red heart emojis naman ang komento ni Vina.

Bukod diyan, kapansin-pansin din sa comment section na maraming fans at netizens ang humihirit ng reunion concert ng tatlo.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Concert naman dyan…The Champs.”

“So kailan ang concert?? [curious emojis] tagal na namin nag-aantay [happy face emoji].”

“Reunion concert please. Champions Showdown, ASAP Grand Face Off at YRS [clapping hands emojis].”

“Wow [red heart emojis] happy magka-reunion din po kayo Sana meron rin prod naman po na kayong tatlo na for concert or kahit event po makakasama po kayo mag-duet po.”

Kung matatandaan, ang tatlong singers ay bahagi ng Kapamilya Sunday variety show na ASAP, partikular na ang segment nito na “The Champions,” kung saan itinatampok ang mga mang-aawit na nagwagi sa mga pinakamalaking singing competitions ng bansa.

Si Erik ay naging kampeon sa “Search for the Star in a Million” noong 2003.

Sa parehong taon, nanalo si Rachelle sa nasabing competition.

At taong 2002 naman nang magwagi si Sarah sa “Star for a Night.”

Read more...