KUMAKAPIT pa rin si Rufa Mae Quinto sa pag-asang magkakaayos sila ng non-showbiz husband na si Trevor Magallanes at mabubuo pa ang kanilang pamilya.
Hanggang ngayon kasi, hindi pa malinaw sa kanya kung nais na siyang hiwalayan ng mister.
Ang pag-amin na ‘yan ay chinika mismo ng komedyana sa isang YouTube interview ng showbiz insider na si Ogie Diaz.
Sey niya, “Baka ayaw na talaga niya. Siguro ayaw na niya ma-connect sa buhay ko or sa career ko, sa pangalan ko. Hindi ko rin alam eh, kaya marami rin akong tanong, hindi ko na rin alam ang sagot or wala na talagang sagot.”
“Hindi ko na nga rin alam kasi hindi na nga rin ako nagte-text eh, kasi baka ma-screenshot ulit,” biro niya at sabay tawa sila ni Ogie.
Baka Bet Mo: Rufa Mae ‘waiting’ na magkaayos sila ng mister: Kaya ko ‘yan! Go, go, go!
Pero kidding aside daw ay okay pa naman sila ni Trevor: “Nag-uusap kami nito lang –pagkauwi ko, tapos kanina tumatawag. Pero syempre, siguro may anak kasi kami. So malamang kaya kami nagkakausap.”
Ayon kay Rufa Mae, kahit siya raw ay nagulat sa nangyari sa kanila ni Trevor.
Nabanggit pa nga niya ang kanilang anak na madalas magtanong kung kailan ulit makukumpleto ang kanilang pamilya.
Sinabi rin ng aktres na ayaw niyang pag-usapan ‘yung mga ganitong bagay dahil “legally” ay sila pa rin ng asawa niya.
“Hindi pa naman nag-file ng divorce or what, so wala akong dapat i-share. Pero dahil nagka-screenshot na, edi ‘yun na ‘yun. At least nabunutan na rin ako ng tinik kasi siya na nag-explain ng lahat in one screenshot,” sambit ni Rufa Mae.
Patuloy niya, “Kumbaga tanggapin ko na kung ayaw na, respetuhin ko ‘yun. Pero ‘yung next action, siyempre, ‘yung anak namin. Pangalawa, baka naman maayos.”
Nag-follow up question naman agad si Ogie patungkol sa sinabi ng komedyana na nais pa nitong maayos sila ni Trevor.
Paliwanag ng celebrity mom, “Sa edad kong ito, ayaw ko na ring mag-boyfriend. Halimbawa, maghahanap-hanap pa ng bago or iba na naman? Ayoko na ng ganun. Okay na ako.”
‘If ever, siya na ‘yung huli, for me ha. Pero kung ayaw na niya, kailangan kong tanggapin,” giit pa niya.
Magugunita noong December last year nang kumalat ang breakup rumor sa pagitan ng married couple matapos maglabasan ang screenshots ng palitan ng mensahe nila.
Matindi ang umano’y sagutan nina Rufa Mae at Trevor tungkol sa kanilang relasyon, pati na rin sa nag-iisa nilang anak kaya naman ina-assume ng lahat na nagkanya-kanya na sila ng landas at tinapos na ang pagsasama.
Hindi ito ang first time na nabalitang naghiwalay sila dahil kahit noong nagsasama pa sila sa Amerika ay may kumalat na ring chika na break na ang dalawa, ngunit never silang naglabas ng pahayag para itanggi o kumpirmahin ito.