The Rock tiklop ang muscles, mineyk-apan ng dalawang anak

The Rock tiklop ang muscles, mineyk-apan ng dalawang anak

TANGGAL ang angas ng Hollywood actor at professional wrestler na si Dwayne Johnson o mas kilala bilang si The Rock sa kanyang mga dalawang anak na babae.

Sa kanyang Instagram post nitong January 19, ibinahagi ng aktor ang video ng kanyang pakikipag-bonding sa mga anak kung saan makikitang mine-meyk apan siya ng mga ito.

“What started off with my two tornadoes, Jazzy & Tia asking, ‘Daddy can we just put some eye shadow on you” and me saying — “yes but make it quick and make it cool, because I gotta go to the gym,’” lahad ni The Rock.

Pag-amin ng aktor, sinusulit niya ang oras kasama ang mga anak dahil hindi naman forever na mga bata ito.

Baka Bet Mo: Maymay gustong maging si Liza Soberano sa loob ng 1 minuto; Edward pinili si ‘The Rock’

Bandera IG

“I know they won’t always be little or prefer hanging out with daddy when they’re older, but they’ll always be my baby girls so I’ll take this abuse all day long – bring it on,” pagpapatuloy pa ni The Rock.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa at nag-comment sa kanyang post.

Marami rin ang pumupuri sa pagiging sweet na ama ni The Rock.

“You’re the best dad this is so sweet,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Dwayne being a dad is the best thing ever.”

“I sense a new Superhero character in the making uso!!” chika ng isa.

Sabi naman ng isa pang netizen, “Love the new look Dwayne. If you need a stylist, barber, construction worker, babysitter, security guard, pilot I’m your guy.”

“GIRL DAD!!!!! ”

Mahigit 160M views na at almost 10M likes ang video ng aktor kasama ang mga anak.

Read more...