PROUD na ibinandera ng celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero na totoong binibidyuhan nila ang isa’t isa para mas maging exciting ang kanilang sex life.
Inamin ng mag-asawa na hindi sila nanonood ng porn, pero may iba silang style para mapanatili ang init ng pagsasama nila as married couple.
Ito ang dahilan kung bakit may lumabas na balita na may sex video umano sina Aubrey at Troy.
“Kasi may naging interview kami tapos tinanong nila kung nanonood ba kami ng porn. Then sabi ko, ‘No, but we have our videos together pero sa amin lang.’ Ganu’n! Ha-hahaha!
“We video each other and then kapag na-bo-bore siya ise-send ko sa kanya sa kuwarto tapos nasa baba ako. Para may excitement di ba?” ang natatawa pa ring pahayag ng aktres sa panayam ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Troy nag-propose na kay Aubrey sa Bora: Together 18 years, engaged 8 hours…here’s to forever with you
Rekomendado ni Aubrey sa mga mag-asawa ang pag-e-experiment pagdating sa sex life lalo na ang paggawa ng home videos. Aniya, malaki ang maitutulong nito para mas maging solid at mapanatiling exciting ang relationship.
“Hindi lang once, dapat lagi. Alam niyo kasi, for the girls, para they see their look, they see what the guys like, and also I like the reaction of the guy or the girl kapag something’s happening.
“And I want to see ay ganito pala yung reaction niya, ay ganito pala yung look ko. Ay ganito pala itsura ng katawan ko, I need to stomach in more. Masyado palang ano yung tiyan ko, yung puwet ko, ganyan.
“Ganu’n ako lagi. Kailangan maganda pa rin yung angle ko, parang nasa movie. Para next (time), ayusin ko yung paa ko, ang pangit, ganu’n.
“At saka yung reaction niya. Parang acting. At saka yung makita yung reaction niya, yun yung the best eh. Akala mo ikaw, okay na okay ka, pero yun pala hindi ganun yung reaction niya. Iba pala. Pero it works,” sey pa ng aktres sa naturang ulat.
Pagpapatuloy pa ni Aubrey tungkol sa ilang taong pagsasama nila ni Troy, “2025 has been very good. We’re still taping. We just finished our show Shining Inheritance. Well kami ni Troy, we lived together after eight years. Hindi biglaan.
“And he courted me parang one year. Nagligawan pa kami. Walang online nun. So tawag, sulat, ganun kami dati. Sa amin naman, parang feeling ko matagal na kaming kasal.
“In the way we treat our relationship, parang simula pa lang, ganun na yung treatment namin na parang kasal na kami. So yung kasal namin after parang normal lang.
“The one thing that I’ve been doing lagi na feeling ko yun yung nakakapag-happy sa akin is workouts and I sleep. I sleep good. Kunwari, I sleep at 8 p.m. then I’ll wake up at 8 a.m. Ganu’n kahaba,” aniya pa.
Wala rin daw silang pagsisisi ni Troy na mas pinili muna nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang family life at mga business, lalo na ang pagpapalaki at pag-aalaga nila sa kanilang mga anak na sina Hunter at Rocket, pati na sa panganay ni Aubrey na si Cody sa dati niyang karelasyon.