Agot Isidro super proud kina Maris at Kaila: Love them forever!

Agot Isidro super proud kina Maris at Kaila: Love them forever!

IBINANDERA ng batikang aktres na si Agot Isidro ang kanilang pagkikita ng kanyang mga “anak” na sina Maris Racal at Kaila Estrada.

Sa kanyang Instagram post nitong Lunes, January 20, ibinahagi niya ang mga larawan nilang tatlo.

“Wonderful afternoon with my girls. Super proud of these two,” saad ni Agot.

Dagdag pa niya, “And love, love, love them forever. Thank you for spending time with Mom.”

Baka Bet Mo: Agot Isidro bumanat sa napanood na video: Na-scam talaga mga botante!

Hindi naman nasabi ni Agot kung paano at saan sila nagkatagpo.

Para sa mga hindi aware, gumanap ang tatlo bilang mag-iina sa recent teleserye na “Can’t Buy Me Love” na pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Kasabay ng kanyang post ay ang pagpo-promote ni Agot ng bagong teleserye kung saan kabilang sina Maris at Kaila na “Incognito”.

“Ps. You can watch them kick ass in #Incognito,” dagdag pa ng aktres.

Makikita namang nag-comment sa kanyang post ang aktres at former beauty queen na si Ruffa Gutierrez.

“Where’s Gina?? ” tanong ni Ruffa.

Sagot naman ni Agot, “you were a week early!!!”

Isa rin sa mga kasama noon nina Agot, Maris, at Kaila si Ruffa na gumanap naman bilang si Gina.

Read more...