OFFICIALLY mag-on na nga ba ang aktres na si Sue Ramirez at aktor na si Dominic Roque?
Paano ba naman kasi ay lantad na talaga sa publiko ang kanilang pagsasama kaya naman hindi na kataka-taka na may nag-viral na video kung saan makikitang magkasama ang dalawa.
Wait, there’s more! Sa TikTok video na in-upload ng netizen na si @hoy-ibyang, makikitang magka-holding hands pa sina Dominic at Sue.
Tanging shy at heart emoji lang ang caption sa naturang post.
Baka Bet Mo: Sue Ramirez sinagot na si Dominic Roque nitong nagdaang Pasko?
Agad namang umani ng comments mula sa netizens ang naturang TikTok post.
Marami ang mga kinikilig sa pagiging sweet nina Sue at Dominic.
Hindi nmaan mawawala ang mga bashers na nababanggit pa rin ang past partners ng dalawa na sina Bea Alonzo at Javi Benitez.
“Bagay talaga si Sue at Dom, no? Sana kayo na talaga hanggang sa huli. Layag pa, DominSue,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Right timing na mahiwalay sila sa dati nilang mga dyowa. Tignan mo naman. Bagay na bagay!”
“Iba ang glow ni Sue lately. Iba talaga pag nasa tamang tao. Amen? Amen!” sey naman ng isa.
Chika naman ng isa, “Sus. Bakit ang bilis naman atang naka-move on?”
Sa ngayon ay wala pa ring paglilinaw sina Sue at Dominic sa kung ano ang estado ng kanilang relasyon ngunit aminado ang dalawa na masaya sila sa piling ng isa’t-isa.