Gordon Ramsay napamura sa halo-halo ni Ninong Ry: Oh, my God!

Gordon Ramsay napamura sa halo-halo ni Ninong Ry: Oh, my God!

Gordon Ramsay at Ninong Ry

NAGING comedy ang naganap na exclusive event dito sa Manila ng international celebrity chef na si Gordon Ramsay nang dahil sa content creator na si Ninong Ry.

Isa ang kilalang vlogger sa mga masusuwerteng celebrities na naimbitahan sa pa-“Masterchef” challenge ni Gordon Ramsay sa pagbisita niya rito sa Pilipinas recently.

Naganap ang naturang event ng British celebrity chef at restaurateur sa Newport Performing Arts Theater, Pasay City.

Bukod kay Ninong Ry, sumabak din sa cooking challenge ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos at ang tinaguriang Lumpia Queen na si Abi Marquez.

Baka Bet Mo: Lumpia Queen nakaharap na finally si Gordon Ramsay: Challenge accepted!

Ipinost ni Ninong Ry sa kanyang Facebook page ang ilang litrato niya habang pine-prepare ang pambatong panghimagas ng mga Pinoy, ang halo-halo.

“Ninong Ry binigyan ng Diabetes si Gordon Ramsay hahahhaha,” ang nakasulat sa caption ng kanyang post na may konek sa naging komento ni Gordon sa kanyang sobrang tamis na halo-halo.


Makikita sa ilang video na nasa social media, ibinandera nga ni Ninong Ry kay Gordon ang kanyang  simpleng version ng halo-halo dahil wala nga itong sahog na prutas.

“Sh*t, that is sweet,” ang komento ni Gordon nang matikman ang halo-halo ni Ninong Ry.

“I can feel my arteries jamming up,” hirit na biro pa ng sikat na international celebrity chef

Nag-explain naman si Ninong Ry kay Gordon na ganu’n talaga ang lasa ng halo-halo ng Pinoy at dapat daw itong halu-haluin muna bago lafangin.

Sey pa sa kanya ni Gordon, “I came here to open a restaurant, not for a heart bypass operation.”

Hirit na sagot sa kanya ni Ninong Ry, “We have a very good doctors here.” Natatawang sabi naman ni Gordon, “Oh, my God!”

Last year nag-open ang unang restaurant ni Gordon Ramsay sa Pilipinas, Gordon Ramsay Bar & Grill na matatagpuan sa Newport World Resorts’ Grand Wing.

Read more...