Tama ang GF (2)

Sulat mula kay Rico, ng Barangay Labuan, Zamboanga City
Problema:
1.    Kahit wala akong trabaho ay may girlfriend naman ako.  Gusto ko nang mag-asawa, pero wala kaming kakainin dahil wala akong trabaho. Kung ako’y mag-aasawa ay matutulad lang ako sa ilang kamag-anak ko na nanghihingi na lang ng pagkain sa mga kamag-anak na may trabaho.
Ayoko naman na kapag nagkaanak kami ay hindi namin mapag-aaral at mababaun na lang kami sa utang.
2.    Kaya pinipigilan ko ang aking sarili na mag-asawa.  Matagal-tagal na rin kaming magkasintahan at siya’y ang pag-aasawa at pagsasama na lang ang kulang sa aming buhay.  Kelan kaya ako magkakatrabaho?  Ang birthday ko ay Jan. 10, 1984 at May 10, 1985 ang sa girlfriend ko. Compatible din  ba kami?
Umaasa,
Rico, ng Barangay Labuan, Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2),  at Taurus naman ang girlfriend mo ay nagsasabing sadyang compatible kayo. Kaya kung sakaling kayo ang magkakatuluyan, may pangako ng maunlad at maligayang pagpapamilya.
Numerology:
Ang bitrh date ninyo ay nagsasabing basta’t sumunod ka lang nang sumunod sa ipinapagawa sa iyo ng girlfriend mo, makikita mo, mapapanuto ang buhay mo, kapag nagkatuluyan na kayo, mas mabilis kayong uunlad at habambuhay na liligaya. Basta ang susi, sumunod ka lang ng sumunod sa babaing mapapangasawa mo, sapagkat siya ang suwerte sa buong buhay mo.
Huling payo at paalala:
Rico, ayon sa iyong kapalaran, sa buwan ng Disyembre sa taon ding ito,  magkaka-trabaho ka na dahil sa tulong ng iyong girlfriend. Kapag may trabaho ka na, yayayain ka na niyang magpakasal sa buwan ng December. Sumunod ka lang sa kanya o sa iyong girlfriend at makikita, imbis na maghirap sa pag-aasawa, sa pagtutulungan ninyong dalawa at sa pagsunod sa iyong asawa, tiyak na ang magaganap – uunlad, yayaman at habambuhay na magiging maligaya ang itatayo ninyong pamilya.

Read more...