Daniel Padilla nagpadala ng 2 bus ng relief goods sa Leyte

Tunay namang kahanga-hanga si Daniel Padilla, ang pinakasikat na young actor ngayon, dahil sa kadakilaan ng kanyang puso sa maliliit nating kababayang nangangailangan ng suporta.

Sa mga panahong ito ay siguradong nasa Tacloban na ang dalawang bus ng mga relief goods na pinagtulung-tulungan nila para maiimpake, humingi ng donasyon si Karla Estrada sa mga KathNiel fans, nagulat ang ina ng sikat na heartthrob sa tindi ng tugon na tinanggap nila.

Ganu’n na lang ang pasasalamat ni Karla sa kanyang anak na sikat na at kumikita na nang malaki ay hindi pa rin nagbabago ang ugali at pananaw sa buhay. Nananatiling mapagkumbaba ang kanyang panganay na si DJ.

Nasaksihan namin ang isang punumpunong social hall sa dami ng mga bagaheng ipadadala nila sa Tacloban, du’n lumaki at nagkaisip si Karla, sa Palo, Leyte naman naninirahan ngayon ang kanyang ina at mga kapatid na awa ng Diyos ay nakaligtas sa nakaraang super-typhoon.

“Pinasalamatan ko si DJ, sabi ko sa kanya, walang mangyayaring ganito kagandang project kundi dahil sa kanya. Sino ba naman ako at si Mareng Tates (Gana) para bigyan ng ganito katinding attention sa panawagan namin sa Twitter at FB?

“Siya ang dahilan ng lahat ng ito, nang dahil sa kanya, maraming fans ang tumugon sa panghihingi namin ng donasyon. Napakabait ng anak ko, wala kang maririnig na reklamo sa kanya, simpleng-simple pa rin siya hanggang ngayon.

“Tanong siya nang tanong kung ano pa raw ba ang mga kailangan? Bukod kasi sa donations na tinanggap namin, gumastos din si DJ para sa ibang mga kailangan pa.

Napakasuwerte ko sa batang ito, walang ere, mamahalin mo talaga siya,” papuri pa ni Karla Estrada sa kanyang guwapong anak na sikat na sikat na ngayon.

( Photo credit to Google )

Read more...